Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Vilma hindi pang-awards night ang susuutin sa SONA!

May feeling ako na si Danilo Franco ang gagawa ng damit na isusuot bukas ni Lipa House Representative Vilma Santos-Recto sa State of the Nation Address (SONA) ni President Rodrigo Duterte.

Si Danilo ang favorite fashion designer ni Mama Vi at gamay na gamay na nila ang isa’t isa.

Si Danilo ang gumagawa ng mga damit ni Mama Vi na ginagamit nito sa mga importanteng okasyon. Memoryado na ni Danilo ang sukat ng katawan ni Mama Vi at ang mga design na gusto nito.

Suki rin ako ni Danilo noong mahilig pa ako na magbihis. Siya ang gumagawa ng mga damit ko kapag kinukuha ako na ninang sa kasal.

May pasabi na ang Malacañang na hindi na dapat magsuot ng mga bonggang gown sa SONA ni Papa Rody dahil hindi naman awards o fashion show ang event na kanilang dadaluhan.

Ang okasyon bukas ang kauna-unahan na SONA na dadaluhan ni Mama Vi bilang congresswoman ng lone district ng Lipa City.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

DJ Durano naging matapang sa naging relasyon nila ni Direk Wenn

Imbes na batikusin, pinuri si DJ Durano dahil sa kanyang matapang na pag-amin na minahal niya nang sobra ang namayapang direktor na si Wenn Deramas.

Sampung taon ang itinagal ng love affair ng dala­wa pero mariin na sinabi ni DJ na hindi niya ginamit si Wenn.

Totoo naman ang sinabi ni DJ na hindi siya ang unang aktor na nakipagrelasyon sa gay. Marami di­yan pero siya lang ang matapang na umamin.

May mga aktor na beterano na ngayon ang da­ting katsugihan ng mga producer at direktor na ba­ding pero mga respetado na sila ngayon.

Sila ang mga aktor na binura ang nakaraan dahil pinanindigan nila ang pagpapanggap na malinis sila at hindi pumatol sa mga baklita.

May mga aktor naman na baklita na rin pero hindi nila puwedeng i-claim na nahawa sila sa kanilang mga dating karelasyon na gay dahil a gay is gay ‘no!

Encantadia dadalaw sa Cavite

May mall show ngayon sa SM Mall sa Rosario, Cavite ang cast ng Encantadia.

Kahit umeere na ang telefantasya nila sa GMA 7, super-promote pa rin ang mga artista ng Encantadia.

Sa mga hindi nakapanood ng pilot episode noong Lunes, ipapalabas uli ng Kapuso network ang pilot week ng Encantadia at mangyayari ito ngayong uma-ga.

Inspired na inspired ang cast ng Encantadia na mag-promote at magpasalamat sa lahat ng mga tumatangkilik sa programa nila dahil sa mga positive review at feedback na kanilang natatanggap.

Conan Stevens kakaiba ang karakter sa Encantadia

Sapiryan ang pangalan ni Conan Stevens sa Encantadia.

The who si Conan? Siya ang Australian actor na sumikat dahil sa kanyang karakter na The Mountain sa Game of Thrones.

Naririto sa Pilipinas si Conan para sa taping ng Encantadia.

Hindi marunong magsalita ng Tagalog si Conan kaya puwedeng ang Enchanta, ang language ng mga nakatira sa Encantadia ang ipa-gamit sa kanya.

Umapir si Conan sa grand presscon ng Encantadia at dito niya sinabi na natutuwa siya dahil karangalan na maging bahagi siya ng sikat na telefantasya ng GMA 7.

Ang mga eksena ni Conan bilang Sapiryan ang isa sa mga dapat abangan ng fans ng Encantadia.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: