Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Hiwalayang Luis at Angel pinalaki lang

Angel Locsin at Luis Manzano

Hindi rin naman namin alam kung bakit kailangan pang tanungin si Angel Locsin sa kung kanino man may relasyon si Luis Manzano sa ngayon.

Matagal na silang split at kung ano man ang tunay na dahilan noon ay silang dalawa lang ang talagang nakakaalam. Natural sa kahit na anong split laging may ispekulasyon na may third party, pero tahimik naman sila at walang sinasabi kung mayroon ngang third party, o kung ang third party ba ay nasa panig ni Luis o sa panig ni Angel.

Maski naman noong pilitin nilang mag-comment si Angel, wala naman siyang sinabing masama. Ang sinabi lang niya ay wala na siyang pakialam doon. Sinabi rin niyang kung ano man ang usapan ni Luis at ng kanyang syota ngayon, hindi naman siya kasali. Kaya ano nga ba ang sasabihin niya.

Iyong simpleng statement na iyon, minasama. Sa pakuhulugan kasi nila ay nagkaroon ng sulutan dahil sa statement na “hindi ako isinali”.

Kung iintindihing mabuti, ang sinasabi ng aktres ay wala siyang pakialam sa kung ano mang relasyon mayroon ngayon ang dating boyfriend.

Hindi rin naman kami naniniwalang ganoon pa kaapektado si Angel sa nangyari. Hindi naman iyan ang unang hiwalayan nila ni Luis. Nagkaroon na sila ng relasyon noon at nagkasundong muli. Ngayong nagkahiwalay sila ulit, siguro nga they are not meant for each other.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Hindi rin naman iyan ang unang split experience ni Angel. Mas pinag-usapan pa nga ang split nila ni Phil Younghusband, dahil marami ang umasa noon na ang kanilang relasyon ay mauuwi na sa kasalan. Masasabi rin sigurong ang pinaka-emotional para kay Angel ay hindi split kung ‘di noong mamatay ang kanyang boyfriend noon na si Miko Sotto sa isang aksidente.

Kung iisipin mo, iyang split nina Angel at Luis hindi na dapat pang pinalalaki ang mga isyu diyan.

Salpukan ng ratings wala pa ring humpay

Usap-usapan ngayon ang mga television survey. May nagtatanong, bakit may survey na nagsabing tinalo ng Encantadia ang kalaban noong show na Ang Probinsyano? May nagtatanong din naman, bakit may survey na tinalo ng It’s Showtime ang Eat Bulaga, sa isang episode na may malaki pa silang pakulo, iyong anniversary ng AlDub.

Simple lang ang dahilan, magkaibang survey firms ang ginagamit ng GMA 7 at ng ABS-CBN. Ang pinakikinggan ng GMA 7 ay iyong AGB Nielsen, na siya ring survey firm kung saan subscriber ang tinatawag na third network, ang TV5.

Iyon namang ABS-CBN, subscriber ng Kantar Media. Ang Kantar ay isang network lamang ang sinisilbihan ngayon, ang ABS-CBN.

Natural magkaiba sila ng sistema sa kanilang survey. Magkaiba rin sila ng survey areas. At sinasabi ngang maski ng mga tao sa advertising, “magkaiba sila ng subscriber.” Pero ano ba ang mas pinaniniwalaan?

Ang mga kaibigan namin sa advertising industry ay nagsabi sa amin na para sa kanila, parang mas maganda ang ginagawang survey noong NUTAM, o iyong National Urban Te­levision Audience Meter, at alam naman natin kung sino ang nagpapalabas ng ganyang survey.

Pero iyon ay opinion ng mga kaibigan namin sa advertising industry. Posibleng may iba naman na mas naniniwala sa Kantar.

Ang masasabi lang namin, hindi kami tumi­tingin sa survey eh. Kung anong show ang naririnig naming pinag-uusapan ng aming mga kapitbahay, iyong mga taong nakakasama namin at nakakausap sa simbahan, at iba pang lugar, iyon ang mas pinaniniwalaan namin. Hindi bayad iyon eh.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: