Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Kahit nag-deny pa si Luis Vilma nabuhayan ng loob na magka-apo kay Jessy

Todo-deny si Luis Manzano sa mga naglabasang balita sa relasyong nagmamagitan umano sa kanila ni Jessy Mendiola.

Pero bakit kaya may mga naniniwala pa rin na sila na nga?

Bigo na naman ba si newly elected Lipa Representative Vilma Santos-Recto na magkaroon sana ng bagong mamanugangin?

Sayang at may posibilidad sanang kay Jessy matupad ang pangarap ni Ate Vi na magkaapo na sa kanyang panganay.

Formality na lang ng relasyon, Nanay ni Enrique gustung-gusto si Liza

Kinumpirma nina Liza Soberano at Enrique Gil na mas close na sila nga­yon. But they are not yet officially girlfriend and boyfriend. Although, exclusively dating sila. ‘‘When I decide na to officially have a boyfriend, the first person I would tell would be my Dad.

‘‘I owe that to my Dad. Wala siyang ipinagbabawal sa akin. Maliban sa ang magsinungaling,’’ saad pa ni Liza.

Enrique, on the other hand, said his family like Liza very much, lalo na raw ang kanyang ina.

His Mom, though, according to Enrique, thinks Liza is too young para makipagrelasyon na.

Jennylyn aminadong hindi noon stable ang pag-iisip

Jennylyn Mercado on the other hand, describes her current relationship with Dennis Trillo bilang ‘‘steady’’ lang. And they are happy kung anumang relasyon mayroon sila ngayon.

Unlike noong una silang maging mag-on na ‘di nila alam kung bakit marami silang ‘di nauunawaan sa isa’t isa.

But then of course, this was in 2010. And they were both younger.

Siguro rin daw, at that time, ‘di lang ang kanyang pag-iisip ang ‘di stable, kung hindi ang kanyang professional life rin.

These days nga naman, ‘di lang may ‘‘pinatu­ngu­han’’ na ang kanyang showbiz career, mayroon na rin siyang negosyong naipundar at pinagkakakitaan. And these are her Fit and Form salon, bukod pa sa may building siyang may mga spaces na puwedeng paupahan.

May franchise rin siya ng Beanleaf Coffee, located sa Timog Avenue, Quezon City.

Albie type idirek si Andi sa indie

Okay lang sana kay Albie Casiño if nata-typecast siya sa mga kontrabida roles. Kaso nga lang daw, ayon kay Albie, marami sa mga nakakapanood sa kanya sa TV o pelikula ang naniniwalang ganun nga  siya in real life.

Tulad dito sa kasalukuyan pang ipinalalabas na indie film, Magtanggol. Supposedly ay stepson siya ni Joonee Gamboa at ang magaling na aktres na si Dina Bonnevie naman ang gumaganap na kanyang ina.

Kaya madalas ang dalawa ang kanyang mga kaeksena. E, ang role niya ay isang problem child. 

Pero, iyon nga. Iba ang dating ng kanyang performance sa ilang manonood. Kahit pa, tulad ng role na ginampanan din niya sa series na On The Wings Of Love, where he played din a problem son to Cherrie Pie Picache, ay nai-redeem niya ang kanyang sarili somehow.

No wonder na one day soon, hope ni Albie na mabigyan naman siya ng role na mabait siya. Which, he is in real life daw.

Nagkausap na nga raw finally sina Albie at Andi Eigenmann, na dati niyang girlfriend. Hindi naging maganda ang kanilang paghihiwalay. Lalo pa nga at nanganak si Andi and, for a time, siya ang hinihinalang ama ng bata.

To date, it has not been resolved kung sino nga ang ama ni Ellie, na two years old na ngayon. Which to Andi and her Mom, Jaclyn Jose is immaterial.

Well, sa maikling pag-uusap daw nila ni Andi, ayon kay Albie, he congratulated Andi’s Mom for winning the prestigious award for best actress in the Cannes Filmfest for her and Andi’s movie, Ma ‘Rosa.

Eventually daw, Albie would want to direk a movie. An indie movie muna.

Huwag tayong magtaka if Andi agrees to star in the said movie na ididirek ni Albie, as he and Andi raw agreed to work together again.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: