Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Kaya todo papayat pa, Sharon pinaghahandaan ang oath taking ni Sen. Kiko

Wait natin na magbawas pa ng additional timbang si Sharon Cuneta, as she now proudly claims na makapag-lose na naman siya ng 50 pounds.

Don’t look now, but feel namin, pinaghahandaan ni Sharon ang nalalapit nang pag-take ng Oath of Office ni President-elect Digong Duterte.

Kung dadalo man sa oath taking niya si President Digong o hindi, as he has announced he well not be present, tiyak na dadalo si Vice President-elect Leni Robredo at ang mga newly elected senators and congressman.

As we all know, re-elected as senator si Kiko Pangilinan na husband ni Sharon.

Michael hindi sure kung kamag-anak si Sen. Pangilinan

Speaking of another Pangilinan, ‘di raw tiyak ng kanyang ama, according to singer, now actor, Michael Pangilinan kung kamag-anak nila si Senator Kiko Pangi­linan.

Posible nga kasing-apelyido lang nila ang senador. But proud daw siya at ang kanyang pamilya bilang mga Pangilinan.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

From Michael, we also learned na reluctant siya, after his appearance sa ipapalabas niyang first movie, Pare, Mahal Mo Raw Ako, to do ano­ther one, Na-realize daw niya na hindi madali ang umarte sa harap ng movie camera.

But doing Pare, Mahal Mo Raw Ako, Michael will consider a bonus, lalo pa nga at ang gaganda ng reviews tungkol sa pelikula, lalo’t sa performances nina Edgar Allan Guzman, Matt Evans, Joross Gamboa, Anna Capri, Katrina Legaspi at Nora Aunor.

Labis labis daw ang pasasalamat niya kay Joven Tan, na siyang nag-direk ng Pare, Mahal Mo raw Ako, na titulo rin ng awiting nilikha nito for the Himig Handog P-Pop Love Songs 2014, which Michael interpreted.

Isa rin si Direk Joven sa mga nag-produce ng movie, kasama ang talent manager ni Michael na si Jobert Sucaldito, Fred Sibug, Carlos Satio, Jr. at Capt. Ernie Moya.

Pelikula nina Arci, John at Jericho, pinasikat na nina Ate Vi at Nonoy

Asked lang namin kung totoong si Michael Pangilinan ay pwedeng ma-assign para kantahin ang theme song ng upcoming series nina Jericho Rosales, John Estrada at Arci Muñoz na Never Ever Say Goodbye?

Wow, ‘pag nagkataon, this will be another first for Michael, who has always dreamed na marinig ang kanyang tinig as part ng isang soap.

Never Ever Say Goodbye is originally a song popularized by Nonoy Zuñiga years back. The song became the title of a movie which Nonoy top billed along with the now Lipa representative Vilma Santos.

Now guess kung sino ang gumanap ng role bilang anak ni Ate Vi sa pelikula?

Si Ian Veneracion, na noon ay isa ring child actor.

Now in his 40’s, Ian is making waves, kumbaga, as an actor. He won good reviews for his performance as Eduardo in the top series, Pangako Sa ‘Yo, na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

But as we all know, Ian had not just one but two leading ladies in Pangako…, Jodi Sta. Maria at Angelica Panganiban.

Well, Ian is reunited with one of them, specifically Jodi, in the upcoming Star Cinema movie, The Achy Breaky Heart, also staring Richard Yap.

The movie, directed by Antoinette Jadaone, is predicted na magiging isang blockbuster.

Bea kay Ian mapupunta

Going back to Ian, guess with whom he will be paired sa susunod na serye?

Walang iba kundi kay Bea Alonzo!

‘Di pa tiyak kung ano ang magiging titulo ng series, bagama’t ang magdidirek nito ay si Jerry Lopez Sineneng.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: