Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Ma’Rosa ni Brillante Mendoza ipinanawagan na ilaban sa Oscars

May panawagan sa Film Academy of the Philippines officials na ang Ma’Rosa

ang i-submit sa Best Foreign Language Film category ng Oscar Awards.

Malaki raw ang tsansa na mapansin sa 2017 Oscar’s ang pelikula ni Brillante Mendoza dahil ito ang nagbigay kay Jaclyn Jose ng best actress trophy sa 69th Cannes Film Festival.

Saka pinupuri ng film critics ang Ma’Rosa na binigyan ng standing ovation nang ipalabas ito sa Cannes Film Festival.

Excited na rin ang mga Pilipino na mapanood sa big screen ang Ma’Rosa dahil gustong-gusto na nila na makita ang winning performance ni Jaclyn. Kung kailan, tanging si Brillante lamang ang makasasagot dahil siya ang producer ng pelikula.

Nora at Vilma isinasabong kay Jaclyn

Unfair na ikumpara sina Nora Aunor at Batangas Governor Vilma Santos-Recto kay Jaclyn Jose dahil magkakaiba ang talent nila sa pag-arte.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Hindi porke’t nanalo ng Cannes best actress si Jaclyn, mas magaling na siya kay Nora o kay Mama Vi.

Knowing Jaclyn, hindi rin nito gusto na ikinukumpara siya sa mga aktres na hinahangaan at nirerespeto niya.

May mga kababayan tayo na kaligayahan na ang mang-intriga. Puwede naman na maging masaya na lang sila dahil may mga aktres tayo na gaya nina Nora, Jaclyn at Mama Vi na maipagmamalaki ng bansa natin. Mga aktres na maituturing na national treasures.

Pagtanggi ni Gloria sa alok ni Duterte, nakakabilib

Bumilib ako kay former President Gloria Macapagal-Arroyo nang tanggihan niya ang nababalita na diumano’y presidential pardon na gustong ipagkaloob sa kanya ni incoming President Rodrigo Duterte.

Tinanggihan ni Mama Glo ang offer dahil kung tatanggapin niya ang alok, parang umamin na rin siya sa kasalanan na ibinibintang laban sa kanya.

Kung ibang opisyal ang nasa lugar ni Mama Glo, baka sunggaban nila agad ang alok para makalaya na sila mula sa matagal na pagkakakulong.

Kahit nakapiit sa Veterans Memorial Medical Center, nanalo pa rin si Mama Glo bilang house representative ng second legislative district ng Pampanga dahil unopposed siya.

Keanna Reeves nagwala dahil sa pera!

Kawawa naman sina Keanna Reeves at Prince Stefan dahil hindi sineseryoso ng mga tao ang feud nila.

Okey lang na huwag seryosohin ang kanilang word war pero hindi tama na laitin ang pagkatao nina Keanna at Prince.

In fairness kay Prince, naging mahinahon siya sa mga banat sa kanya ni Keanna na dinala niya sa isang show sa South Korea.

May kinalaman daw sa talent fee ang ugat ng pagwawala ni Keanna pero pinairal ni Prince ang pagiging edukado.

Ininsulto ni Keanna ang pagkatao ni Prince na naging mabait sa sagot nito na “I will just be the better person who understands the situation, well-mannered and with breeding.

“I never seen down on anyone because I was raised to be respectful. And I never said nor bragged about being a famous celebrity, but I sure know how to thank people who’ve helped me get where I am now. I asked HER to be part of the KOREA show because I always believe that everyone gets the second chance to just really prove themselves regardless of background and reputation.

“We are all here to work for a living and never in my entire life to have been put in a position in such a way that someone will actually humiliate me and create false stories about me. Nevertheless, I take this positively and will not stop pursuing my passion as an artist and as a performer/entrepreneur no matter how small others may see it.

“I love my job and I will continue to strive harder to entertain people. This will be my first and last statement. And for whatever it’s worth, I hope to make peace to whom ever I have offended in any way. To God be the Glory.”

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: