Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Akting malabong balikan Vilma mas maraming oras ang bubunuin sa kongreso!

Medyo malungkot ang fans ni Vilma Santos. Kung inaasahan kasi ng mga ito ay mas magkakaroon siya ng panahong gumawa ng pelikula o lumabas sa telebisyon ngayong mas madalas na siyang mamamalagi sa Metro Manila dahil sa kanyang pagi­ging bagong halal na kongresista.

Totoo ngang bilang isang governor ay mas malaki ang kanyang iniintindi noon sa Batangas, at ang daming mga taong kailangan niyang harapin sa araw-araw. Wala rin namang maiiba sa bago niyang katungkulan sa ngayon. Mas mahirap pa nga ngayon dahil kung dati ay gobernador at mayor siya, na siya ang gumagawa ng lahat ng aksiyon, nga­yon bilang isang congresswoman, kailangan niyang makipagtrabaho sa mas marami pang kasama sa kamara para makagawa ng mga batas na makabubuti sa mga tao. Ibig sabihin, mas maraming meetings at mas maraming kausap. Ibig sabihin din ay mas maraming oras ang kailangan niya sa kanyang trabaho.

Isa pa, inaamin naman ni Ate Vi na bilang local executive, sanay na nga siguro siya sa kanyang trabaho noon. Pero ngayon bilang legislator, kailangan niyang pag-aralang mabuti ang kanyang trabaho. Ibang klaseng trabaho ‘yan. Pero sabi nga niya, mabuti naman at ang kanyang asawang si Senador Ralph Recto, kabisado ang trabahong iyon kaya tiyak na matuturuan siya.

Ever since naman, eh partners sila sa kanilang trabaho.

Pero dahil diyan, sinasabi nga ni Ate Vi na wala muna siyang tinatanggap na scripts sa ngayon at hindi pa nakikipag-usap para sa kahit na anong projects, dahil kailangan pa niyang pag-aralang mabuti ang kanyang gagawin sa kamara.

Fans ni Richard nahihirapang sundan ang Panday, paiba-iba ang sked

Napag-uusapan nga namin noong isang gabi si Richard Gutierrez at ang serye niyang Ang Panday. Marami ang nagsasabing maganda ang kuwento. Maganda rin naman ang pagka­kagawa nito. Marami rin namang nagsasa­bing mahusay ang performance ni Richard, pero may problema. Hindi kasi araw-araw napapanood ang kanyang serye. Hindi rin naman matiyak ang mismong oras ng pagpapalabas noon.

Ang observation ng marami, parang nahihirapan daw ang audience na mai-connect ang istorya dahil patigil-tigil nga ang kanilang panood at ilang araw bago nila mapanood ang karugtong. Doon sa mga araw na hindi palabas ang Panday, sigu­rado hahanap sila ng ibang mapa­pa­no­od na serye. Kung ganoon nga ang mangyayari, mas itinutuloy na nila iyon kahit na sabihing mas maganda ang Panday.

Kami man ay walang duda na malakas pa rin ang following ni Richard Gutierrez, pero sanay kasi ang kanyang mga fans na kung serye man ang kanyang ginagawa, napapanood nila nang tuluy-tuloy.

Mas mabuti pa nga siguro kung ang ipinagawa sa kanya ay isang anthology na lang, iyong laging tapos ang kuwento kahit na weekly pa siya. Tiyak na hahabulin iyon ng kanyang fans. Pero ang serye tapos hindi araw-araw, parang mahirap talaga.

Siguro naman may iba pa silang projects na maiisip para kay Richard para naman makabawi siya nang husto.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: