Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Showbiz nalungkot sa pagkatalo ni Sen. Grace!

Malungkot ang showbiz sa pagkatalo ni Senador Grace Poe. Subalit hinahangaan naman siya nang marami nang mapagkumbabang nag-concede sa panalo ni Mayor Digong Duterte.

After Manila Mayor Joseph Estrada, si Senador Poe sana puwedeng makatulong sa problema ng movie industry komo galing din siya rito. Buti na lang, hindi nagtatapos sa 2016 election ang political career ng senadora.

Meron pa siyang three years bilang senador. Marami pa siyang magagawa sa bansa and by 2022 comes, handang-handa na siyang sumabak muli sa pinakamataas na posisyon sa bansa!

Ate Vi at iba pang taga-showbiz, waging-wagi

Winning brothers ang mga Yllana, huh! Panalo si Anjo bilang reelectionist sa Quezon City habang ang mga kapatid niyang sina Jomari at Ryan ay nanalo rin sa Parañaque City bilang konsehal.

Masaklap nga lang ang kinahinatnan ng unang pagsubok sa pulitika ng ex partner ni QC Mayor Herbert Bautista na si Tates Gana. Natalo siya habang ang unang pagpasok bilang konsehal ni Hero Bautista ay waging-wagi, huh!

Kung meron mang artistang nanalo na natuwa ang showbiz ay si Richard Gomez. Siya ang na­na­long mayor ng Ormoc City, pinakauna niyang elective position.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

As we all know, ilang beses nang tumakbo si Goma. Una, sa party list pero na-disqualify siya, then, sumubok din siya sa Ormoc pero lost. Ipinubaya niya sa asawang si Lucy Torres-Gomez ang pagpasok sa kongreso at sinuwerte ito sa unang subok. Ginawa naman siyang chief of staff ng asawa.

Now, magkatuwang na sina Richard at Lucy sa pagtulong sa kanilang kababayan sa Ormoc.

Ang isa pang artistang nanalo ay si Batangas Governor Vilma Santos-Recto. From governor, kinatawan naman ng Lipa City ang posisyon niya simula sa July 1.

Sa panig naman ni ER Ejercito, bigo siyang makuhang muli ang posisyon ng gobernador ng Laguna. Tumakbo rin kasi ang anak niya subalit nag-withdraw bago ang halalan. Hindi nga lang natanggal ang pangalan ng anak sa list of candidates.

Ilan pa sa mga artistang nanalo sa local positions ay sina Yul Servo at Teri Onor. May mga hindi rin naman pinalad.

Eh, tatlong taon lang naman ‘yan so kayod pa more para sa 2019!

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: