Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

‘Galit’ ni Ate Vi at Edu kay Alex, pinalala

Mukhang echos lang naman ‘yung video ni Edu Manzano na naging viral. Sinabi ni Doods sa video na, “Cathy kinalmot mo yung anak ko. Alam ko bahay mo!”

Bago ‘yon, nag-post si Luis Manzano sa Twitter account niya ng isang picture ng braso niya na may kalmot. Ebidensya lang daw ‘yon ng kalmot ni Alex Gonzaga at SOCO ang kumuha. Pero biro lang ‘yon.

After ng post ni Luis, may “scolding” daw na ginawa si Gov. Vilma Santos-Recto kay Alex dahil sa kalmot na ginawa ng anak. Sineryoso naman ‘yon ng netizens. But knowing Ate Vi, biro lang ‘yon gaya ng video ni Doods.

Anyway, kandidato si Edu bilang senador habang congresswoman naman sa Lipa City si Gov. Vi. Hindi sila gagawa ng bagay na ikasisira ng name nila pero ‘yung naglabasan sa social media, aakalain mong malaki ang atraso ni Alex kay Luis, huh!

Magkaibigang Gloc 9 at Mocha, nag-away dahil kay Binay

Hindi napigilan ang rapper na si Gloc 9 ng ma­nagement niya upang maglabas ng sariling saloobin upang ipaliwanag ang presence niya sa proclamation rally ng mga Binay sa Makati City.

Bago ang statement ni Gloc 9 na inilabas niya sa kanyang social media account, naglabas na ang management company niya, ang PPL Entertainment ng justification sa presence ng artist nila sa okasyong ‘yon.

“This was just a regular sortie gig for a local candidate, no different from the sorties before it, and the sorties that will come after it,” bahagi ng statement ng PPL Entertainment.

Ayon kay Gloc 9, pinagsabihan na siya ng kanyang management na huwag nang magsalita pero hindi raw niya kaya (na ‘wag magsalita). Mahaba ‘yon kaya ilang bahagi na lamang ang ibabahagi namin.

“Paumanhin po kung hindi nasunod ang gusto ninyo at mawalang galang na din po sa mga nagsasabing hindi puwedeng TRABAHO LANG ITO dahil ITO LAMANG NAMAN PO ANG TRABAHO KO. Hindi po ito hobby na naging tra­ba­ho ito po ay isang pangarap na ipinaglalaban ko halos dalawang dekada sa kahit na saan at ano at ka­nino at maitutuloy ko lamang ito kung ito ang ma­giging hanap buhay ko…

 “Ako ang kumakanta sa entablado ng iba’t ibang kandidato marahil ay hindi lang ninyo gusto ang isang entabladong sinampahan ko…

 “At sa may mga sama ng loob kung sakaling ang lahat po ng bintang duro at akusasyon ninyo sa huli ay mapapatunayang tama at tunay hihingi po ako ng tawad ngunit hindi sa kahit sino man dahil higit sa aking pagiging manunulat ng awitin, higit sa aking pagiging ehemplo at higit sa aking pagi­ging mamamayan ako po ay isang ama. Hihingi ako ng tawad sa aking mga anak dahil naniniwala ako na sa kanila lamang ako may pananagutan. Salamat po. Gloc 9.”

Nagpaalala rin si Gloc 9 na piliin ang kandidatong magkakapaglingkod at tunay na mamumuno sa bayan.

Kung meron unang tumuligsa kay Gloc 9, ‘yon ay ang kaibigan niyang si Mocha Uson na very vocal sa pagsuporta kay Digong Duterte.

Hay naku, dahil lang sa pulitika, pati magkakaibigan, nag-aaway-away, huh! Isang araw lang naman ang eleksyon, huh!

Na-address naman ni Gloc 9 ang issues. Hindi nga lang niya sinagot ang  nag­­la­basang intriga na milyones daw ang di­umano ang perang involved kaugnay ng “sortie” na ginawa,  huh!

Iya inulan ng cake at bulaklak 

Pinutakti ng soon to be mom na si Iya Villania ng cakes mula sa pamilya niya sa Because of You, Lip Sync Battle at pati na ang bouquet of roses na bigay ng 24 Oras na ipinost niya sa kanyang Instagram account bilang pagbati sa pagbubuntis niya.

Ilang weeks pa lang buntis si Iya pero marami na ang nagbunyi sa kalagayan niya ngayon, huh!  After two years nga naman ay nakabuo na sila finally ng asawang si Drew Arellano.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: