Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

‘Di kinaya ang pagiging palaban Luis sinukuan ng mga basher

Noong Miyerkules Santo, kesehodang Holy Week, hindi pinalampas ni Luis Manzano ang kanyang haters sa Twitter. Sinagot niya talaga ang mga ito nang buong ningning at naaliw kami sa kanyang tweets.

Tulad na lamang sa isang basher na nagsabing unfit siya para mag-host ng local version ng Family Feud na iho-host ni Luis sa ABS-CBN.

Heto ang mga sagot ni Luis sa basher:

“It’s funny how my success hurts you ;) siguro you were never enough for your parents kaya kargo mo bitterness ;).

“It’s ok... Sit down with your parents and tell them how you feel, explain you never felt loved, explain everything.

“Ssshhhh it’s ok... I’m sure inggit ka na yung aso niyo kumpleto sa bakuna, ikaw wala... Talk to them...para di nega.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

“Yup, di ka naman magiging ganyan if ok sila, it’s called nurture. Walang positive reinforcement. Kaya bitter ka.

“Mahirap ba na you were never enough for your fa­mi­ly kahit anong effort mo? Palaging may kulang? Talk to them.”

Bandang huli ay tila sumuko ang basher dahil nag-tweet si Luis na na-block na raw siya nito kaya tapos na ang usapan.

Kasunod nito ay may isa namang basher na tumawag ng “bakla” kay Luis kaya pinatulan din ito ng TV host at ipinost pa niya ang picture ng basher.

“Nandiyan ka pa rin sa bakla issue? 2/23/16 na bobo ka pa rin,” sagot ni Luis.

Sumunod ay nag-post siya ng picture ng basher at may caption na “Meet my hater @Carly_Supertar, ikaw kauna-unahang kilala ko pinaglihi sa jebs”.

Tweet pa ni Luis, “Kung naging gay man ako, alam ko di kita pa­patulan, mukha kang sexual pre­dator ng mga bata sa mga park.”

Hindi tinigilan ni Luis ang basher kaya ang en­ding ay nag-apologize ito sa kanya.

“Sir @luckymanzano nawala kc kanina WiFi d nko nakapag apologize sorry for the trashy & harsh words,” tweet ng basher sa kanya.

Sinagot naman ito ni Luis ng “No worries J kulitan lang ‘yun J”.

Pinuri naman ng ilang netizens si Luis for handling his bashers and putting them into their places.

Well, agree rin kami sa pagsagot ni Luis dahil kung minsan talaga, kailangan mo silang patulan at turuan ng leksyon.

Heart walang kapaguran sa pag-iikot sa mga palengke

Talaga namang walang kapaguran sa pag-iikot para ma­ngam­panya ang misis ni Sen. Chiz Escudero na si Heart Evangelista.

Nitong Martes nga ay lumipad naman patungong Iloilo ang aktres kasama ang kanyang sister na si Cam Ongpauco, kaibigang designer na si Mark Bumgarner at ilan pang mga kaibigan.

Talaga namang maging ang pamilya at mga kaibigan ni Heart ay di rin matatawaran ang support sa kandidatura ng kanyang mister.

Nag-post ang aktres ng larawan sa kanyang Instagram account habang nasa loob ng eroplano kasama ang kapatid at mga kaibigan, at ayon pa nga kay Heart, wala pa silang tulog pero super excited sila para sa mga taga-Iloilo.

Kamakailan nga ay kasama pang nangampanya ni Heart ang kanyang BFF na si Lovi Poe at bumisita naman sila sa Ilocos. Si Lovi ay kapatid ni Sen. Grace Poe, running mate naman ni Sen. Chiz.

Bukod sa radio hop at palengke tour na palaging ginagawa ng aktres sa kanyang mga campaign sortie, ay bumisita rin siya sa Museo Iloilo at Jaro Church.

Napaka-significant na lugar ng Jaro Church sa tambalang Sen. Chiz at Sen. Grace dahil bukod nga sa dito natagpuan ang senadora noong sanggol pa lamang, ay dito rin niya gusto manumpa kung palaring manalo bilang pangulo.

Very committed si Heart sa pagsuporta sa kanyang asawa, at ayon nga sa kanya, nais niyang siya mismo ang magkumbinsi sa mga tao kung bakit deserving ang kanyang hubby na manalo sa darating na eleksyon bilang bise-presidente.

Mikoy proud sa pagiging beki sa Indie

Gaganap na isang becky si Mikoy Mora­­les sa kanyang kauna-una­­hang indie film na 4 Days kung saan makakatambal niya ang online sensation na si Sebastian Castro.

Ibinahagi rin niya na masa­ya ang experiences niya ha­bang ginaga­wa ang pelikula lalo pa’t sa direksyon ng award-winning di­rec­tor na si Adolf A­lix, Jr.

“I’m really excited for this film. Bukod sa nag-enjoy talaga ako makatra­baho yung mga taong involved dito, maganda din kasi yung material. Very totoo yung film and I’m sure maraming makakarelate na millenials. Nakaka-proud!” say ni Mikoy.

Nakatakdang ipalabas ang pelikula ngayong April.

Samantala, bibigyang boses naman niya ang karakter na Whisper sa a­nime series natinututukan at pinag-uusapan sa Asya pati na rin sa North Ame­rica ang Yo-Kai Watch na mapapanood na sa GMA simula nga­yong March 28 (8:00AM) pagkatapos ng Dragon Ball Z.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: