Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Sponsors sa laban kay Bradley apektado na rin: Matapos sibakin ng Nike, Pacman banned na sa mall sa Amerika

Siguro nga ang iniisip ng mga tao ngayon, pina­kamalaking dagok kay Manny Pacquiao pagkatapos ng kanyang comment tungkol sa mga bading ay ang paglaglag sa kanya ng Nike bilang isa sa kanilang mga endorser.

Pero ang kumpanyang iyan ay isang commercial company. Hindi naman siya ilalaglag basta-basta dahil lamang sa isang statement na ganoon.

Siguro nga iyon lang ang naging dahilan para ilag­lag nila si Pacquiao pero sinasabing dismayado rin ang Nike matapos na bumagsak ang mga produktong ipinangalan kay Pacman nang siyay talunin ni Floyd Mayweather.

Nangyari na rin naman daw iyan dati nang pa­tu­lu­gin siya sa ring ni Juan Manuel Marquez. Aminin natin na iyang pag-ayaw sa kanya ng Nike ay may psychological effect kay Pacman lalo na at nalalapit ang isa pang rematch nila ni Timothy Brad­ley na tumalo rin sa kanya.

Sabay-sabay na nabanatan si Pacman dahil sa kanyang statement na mas masahol pa sa hayop ang same sex marriage. Banned na rin daw siya sa Grove Shopping Center sa LA, bukod sa pinag-uusapan siya doon dahil ang LA ay dinadayo ng milyong turista na kabilang ang LGBT taun-taon, at ang masakit doon, tumitira at nagte-traning si Pacman doon.

Ang pinakamasakit sigurong masasabing bunga ng kanyang statement ay iyong pati ang kanyang promoter na si Bob Arum ay nagbigay ng statement ng pagkadismaya laban kay Pacman. Ginawa ni Arum ang statement hindi lamang dahil sa sinabi niyang naniniwala kasi siya sa gay marriage kundi dahil sa takot niyang maapektuhan ang laban na kanyang ipino-promote. Nakita kasi ni Arum kung ano ang impact noon sa US, dahil doon ay pinapayagan nga ang same sex marriage at alam niyang paglalaruan ng media ang naging statement ni Pacman.

Ang sabi nga ni Arum, iyong statement naman ni Pacman ay ginawa sa Pilipinas kung saan hindi pa nga accepted ang same sex marriage. Ikinatuwiran din kasi niya na si Pacman ay kabilang nga sa isang fundamentalist Christian group.

Pero inamin niya na iba ang impact noon sa US kung saan gagawin ang laban ni Pacman kay Bradley, at siguradong apektado ang sales nila, lalo na sa pag-urong ng Nike sa sponsorship at marahil ng iba pa ring mga kumpanya.

Gerald wish na makatrabaho si Ate Vi

Pagkatapos ng kanyang pelikulang Always Be My Maybe, sinabi ni Gerald Anderson na gusto naman niyang magkaroon ng pagkakataong makasama sa isang pelikula si Ate Vi. Aba eh bakit nga ba hindi, kung makakasama mo ang isang magaling na aktres sa pelikula tiyak na may matututuhan ka pa.

Bukod doon, sure hit iyan. Tingnan ninyo ang pelikula ni Ate Vi, isang buwan nang palabas sa mga sinehan ay kumikita pa. Hindi kami naniniwalang sa loob ng isang buwan marami pa ang hindi nakakapanood ng pelikula. Ang paniwala namin kaya malakas pa rin iyan, marami na ang umuulit sa panonood ng kanyang pelikula.

Hindi mo nga ba aambisyunin na makasama sa isang pelikula ang ganoong klase ng artista? Kung ang makakasama mong artista sa pelikula ay “osla”, baka hindi maipalabas sa sinehan ang pelikula mo at magtiyaga ka na lang sa audience ng mga small time na festivals.

Iyang si Gerald ay malakas din naman sa fans at maga­ling din na actor. Kaya nga may narinig pa kaming comment na “kung si Xian Lim nadala ni Ate Vi, si Gerald pa kaya na napakagaling”.

Sana nga magkaroon ng project sina Gerald at Ate Vi. Kami man, nagustuhan naming umarte iyang si Gerald simula noong gawin niya iyong teleserye kung saan siya ay isang special child. Magaling siyang umarte doon at napakahirap na gawin ang ganoong role. Marami ang gumagawa ng ganoong role na hindi special child ang da­ting kung di nagmumukhang gunggong.

 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: