Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Hindi sa trabaho?! Angel nagkasakit daw dahil sa madalas na pagbiyahe

Nagbalik sa Singapore si Angel Locsin para sumailalim sa second operation at ayon sa balita mula rin sa kanyang social media account mismo, ok naman ang kinalabasan noon at nagpapalakas na lang siya. Pero hindi kami naniniwala na dahil sa sinabing ok na siya ay maaari na niyang gawin iyong Darna. Nakakahinayang na hindi siya ang lalabas doon, pero mas dapat naman sigurong isipin niya ang kanyang kaligtasan.

Actually hindi naman si Angel ang mas nanghihinayang sa Darna kundi iyong fans. Marami namang ibang projects na magagawa si Angel kung sakali, pero iyong fans talaga ang nanghihinayang kasi ang feeling nila, talaga walang ibang makakagawa niyang Darna na iyan nang maganda kundi si Angel. Kaya nga kung sinu-sino na ang nagpakita ng interest na maging second choice man lang, pero wala pa yatang nakukuha.

Anyway, iyang nangyaring iyan kay Angel ay hindi mo masasabing hindi work related. Maaaring wala ngang nangyayaring aksidente sa kanya pero dahil sa mga activity niya, maaaring naapektuhan nga ang kanyang spine Mayroon nga kaming kakilala na nagkasakit nang ganyan din, at ang dahilan lang ay ang madalas daw na mga mahahabang biyahe na kanyang ginagawa.

Eh iyang si Angel, mahahaba rin ang biyahe niya dahil sa location ng kanyang pelikula at mga serye noong araw. Iyon din namang paggawa niya ng sunud-sunod na serye noong araw, kulang sa pahinga, minsan wala pang tulog. Nakakapagpahina iyon ng katawan at maging ng mga buto.

Malaking gastos iyang nangyaring iyan kay Angel. Isipin ninyong kailangang sa abroad pa siya magpa-ospital. Hindi naman siguro ibig sabihin noon ay wala siyang tiwala sa mga doctor sa Pilipinas, pero may mga mas makabago ngang pamamaraan sa abroad kung saan masasabi ring mabilis ang recovery ng pasyente. Sana nga tuluyan nang gumaling si Angel dahil maraming mga proyekto rin ang naghihintay sa kanya sa ngayon.

Dati starlet ang status Arci biglang nakilala dahil kay Gerald

Biglang bida na ngayon sa isang pelikula si Arci Muñoz. Siya ang leading lady ni Gerald Anderson sa Always Be My Maybe. Natagalan nga lang siguro ang pag-angat ng career niyang si Arci, pero noong araw pa naman nakita na ang kanyang talent.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Iyang si Arci ay isa sa mga original star ng TV5, kaya nga lang nagkaroon ng mga pagbabago sa istasyon kaya pinabayaan na muna nilang lumipat sa iba ang mga talent na na-discover nila.

Pero hindi nga natin maikakaila na kahit na nasa ibang network na siya ngayon, natutuhan naman ni Arci ang basics sa TV5.

Nakita namin ang trailer noong Alway Be My Maybe, at tama nga siguro ang sinasabi ng mga kritiko na mahusay ang projection ni Arci sa big screen. May mga artistang ok sa TV pero sa pelikula ay hindi maganda ang dating. Parang bagay lang sila sa small screen. Pero si Arci, mas lumabas pa ang ganda niya sa big screen.

Marami ang nagsasabing siguro nga raw pagkatapos niyang Always Be My Maybe ay mas sisikat pa si Arci. Magandang exposure para sa kanya ang pelikulang iyan. Malakas naman kasi sa takilya ang kanyang leading man na si Gerald Anderson. Ibig sabihin marami ang makapanood at makakakita sa kanya. Kung minsan iyon lang naman ang kailangan ng mga artista eh, iyong makita sila talaga ng mga tao at mabilis naman nilang nakukuha ang suporta ng mga iyon. Lalo na nga’t mahusay din naman siya.

 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: