Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Everything nina Angel, Vilma at Xian, nagkalat ang pirated copies

Hanggang ngayon ay pinagpipistahan pa rin ang balita na nakakaarte na si Xian Lim sa pelikulang Everything About Her ng Star Cinema kasama sina Vilma Santos at Angel Locsin.

Hindi nilamon ng mga eksena si Xian ni Ate Vi sa kanilang movie. Aminado si Xian na si Vilma talaga ang nagdala at napasunod lang siya sa flow ng intense emotion ng mahusay na aktres.

Nagpapasalamat si Xian dahil marami siyang natutunan maging sa likod ng kamera. Na-witness ni Xian kung bakit hanggang ngayon ay mahal pa rin ng mga tao at ng kanyang fans si Ate Vi dahil hindi lang ito mahusay na aktres kundi napakabait nito sa lahat ng cast and crew na kasama nila sa trabaho  at hindi ito nagpaparamdam na isa itong big star at pulitiko pa.

Natutuwa si Xian na kahit 3rd week na ay palabas pa rin ang kanilang movie sa mga sinehan.

Sinasabi ni Xian na utang niya lahat kina Angel, Vilma, Bb. Joyce Bernal, at sa lahat ng nakasama niya sa movie.

Hindi rin matapos ang pasasalamat ni Xian dahil ngayon lang na-appreciate ang kanyang pag-arte. Thankful din si Xian kay Angel, dahil kung gaano raw ito kakalog sa movie ay ganundin sa likod ng kamera na walang arte, sweet, at masayahing tao.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Samantala sa paglilibot namin sa Mahogany Market sa Tagaytay nung Biyernes ay nagkalat na ang pirated copy ng movie na Everything About Her. Ipinakita pa kung gaano kalinaw ang copy  na kahit saan paligid ng palengke ay nakabalandra na ang DVD copy ng movie.

Love radio kakaiba ang valentine Celeb

Masayang pagdiriwang ang nakahanda ngayong Valentine’s Day para sa ika- 42 na anibersaryo ng 90.7 Love Radio. Nakatakdang ilunsad sa Internet ang website ng istasyon sa http://www.loveradio.com.ph, na inaasahang tatangkilikin ng mga tagapakinig sa pamamagitan ng chat board nito kung saan maaring makausap ng deretsahan ang mga DJ sa isang online forum.

Ayon kay Juan Elizalde, bise presidente para sa FM radio operations ng Manila Broadcasting Company, sa loob ng nakaraang labing-apat na taon, hindi pa ito natitinag sa pangunahing puwesto sa surveys, bagaman sadyang matindi ang kompetisyon  sa mga FM stations.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: