Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Nagpaopera ng leeg sa Singapore Angel nasaktan nang mag-ala Justin Bieber si Luis

In denial ang fans ni Angel Locsin dahil hindi sila naniniwala na ang kanilang idol ang nag-post sa Instagram account nito ng “on the eve of my neck procedure, I saw my ex singing “love yourself” sa ig. Kung nag mahal na kayo ng taong paulit-ulit kang sinaktan. Pls like this. #mabuhayangtangasappagibig.”

Ang suspetsa ng fans, na-hacked ang Instagram ni Angel pero hindi ito nag-deny at walang ibinigay na paliwanag.

Pero burado na ang Instagram post ni Angel at ang video ni Luis na maligaya na kumakanta ng Love Yourself.

Baka naging emosyonal lang si Angel dahil naka-schedule siya sa neck procedure kaya binigyan niya ng malisya ang happy singing ng kanyang ex-dyowa.

Nagpahayag naman ng sadness ang fans ni Angel nang gamitin ng aktres ang “ex” word na kumpirmasyon na hiwalay na talaga sila ni Luis.

To the rescue kay Luis ang fans na nagtanggol sa kanya at nagsabi na walang masama sa pagkanta niya ng Love Yourself.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Favorite singer daw ni Luis si Justin Bieber kaya hindi dapat binibigyan ng ibang kahulugan ang rendition niya ng Love Yourself dahil kinakanta rin ng ex ni Angel ang Sorry na another song ni Justin.

Hindi natulad kay gma, Angel masuwerte na nakapagpagamot ng leeg

Maselan ang neck surgery na pagdaraanan ni Angel kaya humihingi siya ng dasal sa lahat.

Masuwerte si Angel dahil nakakapagpagamot siya sa ibang bansa, hindi katulad ni former President Gloria Macapagal Arroyo na may neck problem din pero hindi pinapayagan ng Aquino administration na makaalis ng bansa.

Kung natuloy noon ang pagpapagamot ni Mama Gloria sa abroad, baka maayos na ang kalagayan niya. May travel ban ang dating pangulo dahil sa kaso ng plunder laban sa kanya.

Mamahaling sapatos ng anak ni SGP, ginagawan ng isyu

Ginagawang isyu ng detractors ni Senator Grace Poe ang mamahalin na sapatos ng kanyang anak na si Brian Llamanzares.

Sa totoo lang, clueless si Mama Grace tungkol sa sapatos ni Brian na naging isyu dahil mahal ang presyo.

Tinuruan ni Mama Grace ang kanyang mga anak na magtipid pero hindi na niya saklaw ang mga gustong bilhin ng mga bata.

Isang bagay ang sigurado, sariling pera ang ipinambili ni Brian sa controversial shoes dahil may trabaho naman siya. Napilitan lang si Brian na mag-resign para tumulong sa kampanya ng kanyang ina na kumakandidatong presidente ng Pilipinas.

Barbie laglag sa Encantadia

Nalungkot ang fans ni Barbie Forteza dahil hindi siya kasama sa cast ng remake ng Encantadia.

Walang dapat ikadismaya ang fans ni Barbie dahil may sariling teleserye ito na siya ang lead actress, ang That’s My Amboy.

Kumpleto na ang cast ng Encantadia at malapit nang magsimula ang taping nito. Nakahanda na ang set ng tele­serye na muling pamamahalaan ni Mark Reyes.

Starring sa Encantadia sina Gabbi Garcia, Kylie Padilla, Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Rocco Nacino at ang winners ng Starstruck VI. May balita na kasama rin sa cast si Derrick Mo­nasterio.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: