Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Luis at Angel nganga sa Valentine's day?!

Wow, Salve A. February na. and soon, it will be the day for lovers na. Valentines day, kumbaga.

Kaya, all eyes in showbiz are of course, on several couples whose romance reportedly are on the rocks, kabilang na sina Luis Manzano at Angel Locsin; Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz and Zanjoe Marudo at Bea Alonzo.

May pag-asa kayang magsipag-reconcile sila? Nang sa ganun, each pair will be able to celebrate Valentine’s day together, the way they did last year. And the years past.

As it is, ‘di pa nawawalan ng pag-asa ang mga maka-Luis at Angel na magkakabalikan ang dalawa, soon that expected, lalo pa nga at in an interview with Boy Abunda sa Tonight With Boy Abunda,  ‘pinagdiinan’ ni Angel na kasalukuyan  lang na may ‘pinagdaraanan’ ang relasyon  nila ni Luis. And they are both trying to resolve it.

Na sinabi rin ni MJ Felipe na showbiz reporter ng Bandila.

Angelica mas problemado sa pagtatapos ng Pangako… kesa kay John Lloyd

In the case of Angelica, mukhang mas pinuproblema niya ang nalalapit na ending ng kanyang top and trending series na Pangako sa ‘Yo kesa kung anumang personal na hinanakit na may kinalaman sa pag-ibig meron siya.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

As it is nga naman, among the major cast ng Pangako Sa ‘Yo, na kinabibila­ngan nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Jodi Sta. Maria, Ian Veneracion, Amy Austira, Ronnie Lazaro, Bayani Agbayani, Mickey Ferriols at Tirso Cruz III, siya ang may napakalaking problema.

Na ang pinakamabigat, of course, ay ang kusa niyang pagpatay kay Diego Loyzaga, as David, para huwag nitong ‘maibunyag’ kay Amor (Jodi) na anak nito at ni Eduardo (Ian) si Ynah (Kathryn).

At paano rin niya ipapaliwanag kay Eduardo ang katotohanang hindi pala ito ang ama ni Angelo (Daniel).

Besides, knowing Angelica, who is too frank and honest for comfort when it comes to her personal life, sooner than later, Salve A., magsasabi siya ng totoo tungkol sa kung anumang ‘nangyari’ sa pag-iibigan nila ni John Lloyd.

Bea walang planong magsalita sa naging kapalaran nila ni Zanjoe

Ang obviously ay wala nang ‘balikang’ magaganap, na sana hindi totoo ang kutob ng marami, ay ang hiwalayan nina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo.

And knowing Bea, hindi siya magsasalita sa nangyari sa relasyon nila ng actor. And knowing Zanjoe, too, he will continue to keep mum about the issue.

As of this writing, mukhang ‘burado’ na ang issues na may kinalaman si John Lloyd sa paghihiwalay nilang dalawa.

Kaya, sana, sana magkaroon ng ‘milagrong’ mapaghalo ang Tubig at Langis.

Posible kaya. Salve A?

Victor Silayan, agaw-pansin

Speaking of Tubig at Langis, the new series starring Zanjoe, Isabelle Daza at Cristine Reyes in the lead roles, agaw pansin dito ang bagong Kapamilya na si Victor Silayan, who plays the father ng anak ni Christine bago siya pinakasalan ni Zanjoe.

Ang ganda ng credentials nitong si Victor, who was formerly a TV5 talent. Lolo niya ang kinilalang best actor of his time, si Vic Silayan. Auntie niya ang dating beauty queen at magaling na aktres na si Chat Silayan.

Pareho nang nasa ‘great bayong’ na, of course, ang dalawang nilalang na ito na malapit kapwa sa puso ni Victor.

Tall, fair and slim, Victor has the making of a leading man. That is, kung ang acting niya ay tulad ng kanyang Lolo Vic at Tita Chat.

Well, good luck, Victor.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: