Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Ate Vi mas pinaniniwalaan kesa kay Angel?!

Na-confuse ang fans sa balita na hindi pa hiwalay sina Angel Locsin at Luis Manzano dahil sa sinabi ng aktres na may pinagdaraanan ang kanilang relas­yon at inaayos nila.

Iba kasi ang pahayag ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto sa exclusive interview sa kanya ni Papa Ricky Lo sa The Philippine Star.

Ang sey ng Star For All Seasons, naghiwalay ang dalawa matapos magbakasyon sa Amerika. Between Angel and Mama Vi, mas marami ang nani­niwala sa nanay ni Luis.

Sa rami ng pictures kasalang Vic-Pauleen, parang nasaksihan na ng fans

Radiant bride si Pauleen Luna nang ikasal siya kay Vic Sotto noong Sabado nang gabi sa St. James Church sa Ayala, Alabang.

Bakas sa mukha ni Pauleen ang sobrang kaligayahan. Hindi halata na hindi siya masyadong nakatulog dahil sa sobrang excitement para sa wedding day niya.

Nakunan pala ng litrato ang pagpapahid ng luha nina Pauleen at Bossing habang nakaluhod sila sa altar at nakikinig sa mga payo ng pari na nagkasal sa kanila.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Mga malalapit na kamag-anak at kaibigan ang saksi sa pag-iisang dibdib nina Pauleen at Bossing.

Hindi natagalan ang paghihintay ng fans na ma­kita ang mga pangyayari sa loob ng simbahan dahil masipag mag-post sa social media ang mga bisita.

Hindi man nakapag-usyoso ang fans sa simbahan, pa­rang nasaksihan na rin nila ang mga kaganapan dahil sa mga video at litrato na mabilis na inilalagay sa social media.

Mapapanood sa Eat Bulaga ang Luna-Sotto Nuptials sa mga susunod na araw. Patikim lang ang ipinakita sa Eat Bulaga noong Sabado tungkol sa paghahanda nina Bossing at Pauleen.

Tamang Panahon nakuha na

Nagbibiro lang si Bossing nang sabihin nito na nagpakasal siya dahil sa inggit sa kanyang mga kapatid na sina Tito at Val, pati sa kaibigan niya na si Joey de Leon na mga happily-married.

Sa totoo lang, na-in love talaga si Bossing kay Pauleen, kahit malayo ang agwat ng kanilang mga edad. Napatunayan ni Bossing na dumara­ting ang tunay na pag-ibig sa tamang panahon.

Bagong shows ng TV5, tiyak na tatangkilikin

Dumagsa kahapon sa Market! Market! ang fans dahil sa grand caravan show ng  TV5 at Viva.

Tuwang-tuwa ang fans dahil nakita nila in person ang stars ng Tas­ya Fantasya, Born To Be A Star, Bakit Manipis Ang Ulap?, Wattpad Presents TV Movie at MTV.

Sa February 6 na ang pilot telecast ng Born To Be A Star at Tas­ya Fantasya. Confident ang TV5 at ang Viva na tatangkilikin ng tele­viewers ang kanilang mga bagong television show.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: