Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Angel at Luis walang bahid na may problema sa relasyon

Grabe talaga Salve A. ang obviously sunud-sunod na break-ups na napapabalita among several of our celebrity couples.

Talk of the town, of course at the moment ang ‘di pa malamang sanhi ng ‘di inaasahang hiwalayan nina Angel Locsin at Luis Manzano.

After all, everything about them appeared na wala nang dahilan para ‘di matuloy ang kasalang hinulaang magaganap sa kanila this year.

They are both of age, Luis reportedly is turning 34. Thirty naman si Angel this April.

April-born pareho sina Angel at Luis, Salve A.

Both at mum about the reason ng kanilang hiwalayan. Maliban, ayon kay Luis, na totoong “may pinagdadaanan” sila ni Angel.

As we’ve repeatedly said, Salve A., wala kaming napansing kakaibang nangyayari between Luis and Angel, when the former attended the premiere of Angel and Luis Mom’s Batangas Governor Vilma Santos currently showing flick, Everything About Her.

Lalong wala kaming ka­ka­ibang tensiyong naramdaman between Angel and Ate Vi at the ‘after-party’ of the premiere at a nearby restaurant, also at the Megamall, where the event was held.

As of this writing, we heard that Everything…, which also starred Xian Lim, with Joyce Bernal directing, grossed a cool P15-M when the movie opened Wednesday, January 27, in theaters nationwide.

Noong Tuesday, January 26 ang premiere night ng nasabing pelikula.

Bea wala raw talagang kinalaman sa hiwalayang John Lloyd at Angelica

Confirmed na rin daw na break na sina Enchong Dee and his non-showbiz girlfriend, Samantha Lewis.

Samantala, totoo bang as early January 16 ay quits na, kumbaga, sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban? At ang report daw na nagkakamabutihan na sa kasalukuyan sina John Lloyd at his A Second Chance co-star Bea Alonzo has nothing to do with it?

Ewan kung totoo ang claim ng aming source na bagama’t naging as close as can be sina John Lloyd at Bea ngayon, wala silang romantic relations.

Matagal na raw talagang ‘nanlalamig’ sa isa’t isa sina John Lloyd at Angelica.

Janice sumusumpang ayaw makatrabaho si John

May katwiran si Janice de Belen sa desisyon niya not to dare do a showbiz project with her former husband, John Estrada. Natitiyak niya raw kasi na maraming kumplikasyong mangyayari. Bukod pa sa maraming speculations. Na this early, hinuhulaan na niya.

As it is nga naman, ito ngang current desisyon nila ni Priscilla Meirelles na gawin together ang series na Be My Lady, starring in the lead roles reel and real-life couple Erich Gonzales at Daniel Matsunaga, kung anu-ano nang espekulasyon ang nagaganap, what more kung sila ni John ang magsama? Besides, she doesn’t think there’s a need for it. All three of them are doing well in the business pa naman.

As for her current personal relations with John, okey daw sila. Paminsan-minsan, they get to talk daw about their children. Na, except for their bunso, na isang lalaki, ay pawang malalaki na.

The elders, in fact, are college graduates na. At kapwa na nagtatrabaho.

With her son, Igi Boy, with actor Aga Muhlach, Janice said she has two apos. Ang bata pa raw ni Igi Boy, now a chef, nang mag-asawa.

Mark sa Baclaran church nakikipag-date?!

Guess Salve A., who we bumped into sa Bacla­ran Church Tuesday evening na taimtim na nananalangin?

TV5’s Mark Neumann, with some friends, na karamihan ay girls.

Leading man ngayon si Mark ni Shy Carlos in the upcoming series of the Kapa­tid Network, Tasya Fantasya, based sa iconic komiks novel, written by Komiks King, Carlo J. Caparas.

Mark, who grew up abroad, now speaks fluent Ta­galog.

 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: