Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Ate Vi namura na ng direktor

Governor Vilma Santos

Hindi binigyang diin ni Governor Vilma Santos ang issue ng paninigaw ng isang director sa mga extra sa kanyang TV show.

Kung natatandaan kasi ninyo, si Ate Vi ay gumawa ng pelikula na tribute sa mga extra, at doon sa pelikulang iyon, ipinakita ang talagang hirap ng mga extra. Hindi lang namumura, nasasampal pa nang totohanan at pinapaso pa ng sigarilyo kung minsan.

Doon sa pelikulang iyon, si Ate Vi bilang isang extra ay laging nagsasabing “ok lang po iyon”. Masakit isipin na talagang hindi tama ang nangyayari, pero sabi nga ni Ate Vi, “hindi naman personalan iyon”. Hindi naman talagang ginagawa para hiyain ang isang tao kundi kung minsan may mga tao lang na natatangay sa pressure ng kanilang ginagawa.

Inaamin ni Ate Vi na sa totoong buhay, naranasan din naman niya ang mamura ng director, pero siguro nga dahil madalas ni­yang nakikita ang ganoon, kung nangyari man iyon sa kanya, hindi na niya dinamdam.

Sinabi rin naman niya na hindi niya masisisi ang isang baguhan, na hindi sanay sa mga nangyayari sa show business kung magalit sa ganoong sitwasyon. Ang pinakamabuti nga lang, mag-usap para matapos na ang problema.

Nauna riyan, may nabalita ring isang bit player na nagreklamo matapos na saktan ng isang director. May isa namang kaso na isang male star ang nagreklamo rin nang tangkaing molestiyahin ng kanyang director.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Iyon naman ang hindi na tama. Labas kasi iyon sa trabaho eh.

Doon naman sa pelikula niyang Everything About Her kasama sina Angel Locsin at Xian Liam, hindi tinarayan si Ate Vi, siya ang nagtataray dahil iyon ang role niya. Pero si Ate Vi, kahit na malaking artista nga at kinikilalang aktres, sa personal na buhay, hindi kasi niya naging ugali talaga ang magtaray.

“Pero may sitwasyon talagang dapat tarayan ang isang artista,” sabi naman ng isang kasamahan naming movie writer.

Ang kuwento niya, dumalaw sila sa taping ng isang TV show. Ok naman daw ang trabaho, maliban na lang noong bandang huli na. Biglang nawala ang guest host ng show.

Umalis na lang nang hindi nagpapaalam. Ni hindi nagtatanong kung may mga segment pa bang kailangan siya.

Natural magkaroon ng problema sa taping dahil ang inaasahan nilang gagawin pang segments, hindi na nga natuloy dahil sa pagtakas ng guest host.

Kung kami iyan, siguro nga mamumura rin namin iyan.

News reporter sangkot din sa video scandal!

Narito pa ang isang blind item. Hindi lang daw mga male stars ang may video scandal. Ganoon din ang ilang male news personalities.

Pero ang sinasabi namang mga scandals, mukhang nangyari noong sila ay hindi pa mga kilalang news personalities.

Ang isa namang sinasabi nila, sumali raw kasi iyan noong araw sa mga bikini contest bago nakuha bilang isang news reporter, kaya siguro nagkaroon nga rin ng scandal noong araw.

The best na magagawa nila, huwag na lang pansinin ang tsismis.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: