Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Direk Joyce nagwu-walk out sa set ‘pag nagagalit!

Cia­ra Sotto

Nagmumura rin daw si Bb. Joyce Bernal ng artista o talent pero after niyang murahin eh humihingi siya ng sorry at saka ipaliliwanag kung bakit siya nakapagmura.

Ayon sa direktora ni Governor Vilma Santos-Recto sa Everything About Her, kapag nakapagmura na siya eh, nasagad na siyang talaga.

Hindi pa rin kasi nabubura ang isyu ng pagmumura si Director Cathy Molina Garcia sa isang talent. Naglabas na ng side niya si Garcia sa show ni Boy Abunda with matching tears. Kinausap na rin ng network ang nagreklamong talent.

Pero mas iba ang ugali ni Bernal kay Garcia. Kapag bano sa pag-arte ang talent, pinapapalitan niya. Eh, napanood din niya ang Ekstra movie ni Ate Vi, so may simpatiya rin siya sa mga talents lalo na’t maliit lang ang mga kinikita nila.

‘Yun nga lang, ‘pag galit si direk Joyce, uma­alis muna siya sa set, nagkakape at nagpapalamig bago bumalik.

Maang-maangan pa raw Ciara mainit pa rin sa ‘other woman’ ng asawa

Hindi pa rin nawawala ang galit kay Cia­ra Sotto kung pagbabasehan ang post niya sa kanyang Facebook account na, “Hell hath no fury like a woman scorned.”

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Nag-tweet si @karadelarosa kay @ciara_anna ng, “Pag may mabaho, may basura. Pag guilty, maang-maangan school of acting!!!”

Tugon ni Ciara, “Ay, sinabi mo!”

Baka nakarating kay Ciara na parang hindi apektado si Valeen Montenegro sa segments niya sa Sunday PinaSaya. Sabit kasi si Valeen sa pakikipaghiwalay ni Ciara sa asawang si Jojo Oconner! Idinenay nga lang ‘yon ng manager ni Valeen.

Eh, ‘di, wow! Claudine ibinuking na loveless na si Diether

Ibinuking ni Claudine Barretto sa presscon ng TV version ng Bakit Manipis Ang Ulap? na kabi-break lang ni Diether Ocampo sa kanyang girlfriend. Magkasama kasi sa series ng Viva Communications ang dalawa kasama sina Cesar Montano at Meg Imperial na mapapanood sa TV5 sa February 15.

Eh pagdating naman sa annulment ng kasal nila ni Raymart Santiago, on hold muna raw ito alang-alang sa mga anak nila.

Matapos lumabas sa isang Star Cinema movie, ang Viva ang sumalo kay Claudine upang makagawa ng soap. Pralala lang ka­sing lumabas ‘yung bibigyan daw siya ng drama series ng Channel 2,  huh!   

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: