Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Xian pinulutan nina Ate Vi, Angel, at Direk Joyce!

Angel Locsin

Sa presscon ng Everything About Her ng Star Cinema starring the Star for All Seasons Vilma Santos, Angel Locsin and Xian Lim na ginanap last Sunday, hindi mapigilang mapaiyak ng aktor sa napakagandang mga salitang narinig mula sa dalawa niyang co-stars at ipinagtanggol siya mula sa mga batikos tungkol sa kanyang acting.

Noon pa kasi ay may mga intriga at hindi magagandang puna kay Xian tungkol sa pag-arte nito kaya natanong si Ate Vi kung ano ang masasabi niya tungkol dito ngayong nakatrabaho na niya ang aktor.

“I think it’s very unfair na masabihan si Xian ng ganu’n kasi lahat ng artista, dumaan sa ganitong stage. Ang pinakahinahangaan ko lang, because he’s very willing to learn. At sa eksperyensya ko rito sa pelikula while shooting it, tinatrabaho niya talaga, ginagawa niya ang assignment niya.

“‘Pag kaeksena ko siya, nararamdaman ko siya na lahat ng pwede niyang ibigay, emotionally, lahat, ibinibigay ni Xian. Hindi siya porke ‘yung edad niya ngayon, mga newcomers, hindi, eh. Tinatrabaho niya and I think, dito sa pelikulang ito, maipagmamalaki namin si Xian Lim,” papuri ni Gov. Vi.

Sinegundahan naman ito ng direktor na si Bb. Joyce Bernal.

“Siguro, malalaman mo ang isang artista na magaling siya at trinabaho niya ang karakter niya hindi du’n sa mahihirap na eksena kundi du’n sa mga normal lang, natural at parang akala mo wala lang. Pero nandun siya, alam niya kung ano ang gagawin niya, hindi siya magbibigay ng sobra, hindi siya magbibigay ng kulang. Du’n lang sa mga simple. Sakto lang, sapat lang ba,” say ni direk Joyce.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Nang matanong si Xian kung ano ang masasabi niya sa mga papuring narinig, naging teary-eyed na ang aktor nang sumagot.

“Magpapasalamat lang ako ulit sa Star Cinema for giving me the chance to give it everything I’ve got. And pasalamat din ako kay Direk Joyce for gi­ving me trust.

“Kasi, hindi po lahat naniniwala sa akin, aaminin ko naman po, eh, marami kayong naririnig,” say ni Xian na nagiging emosyonal na.

Nagpasalamat ang aktor sa lahat ng press na nagbigay sa kanya ng lakas.

“Sa inyo po ako humugot ng lakas. And it’s part of learning. Tulad ng sabi ni Tita (Vi), it’s part of learning, everything is learning. And when you stop lear­ning, I think, that’s the time you die. Everything is a learning process.

“So, nagpapasalamat lang po ako sa Star Cinema, kay direk for believing in every scene that I do, and sa inyo pong lahat. Bigyan n’yo man po ako ng good write-up, bad write-up, I’m very thankful for everything. Maraming salamat po,” sabi ni Xian.

Bago natapos ang presscon ay humabol din si Angel ng mga papuri kay Xian at um-agree sa lahat ng sinabi ni Ate Vi.

Say pa ni Angel, dapat daw ay ipapanood ni Xian ang movie sa bashers nito para makita ang pinaghirapan nito.

Showing na ang Everything About Her sa Jan. 27.

Kabaliktaran ni Claudine... Diether parang lutang at panay ang English

Maraming press people ang nanibago kay Diether Ocampo sa presscon kahapon ng seryeng Bakit Manipis ang Ulap ng Viva for TV5.

Para kasing hindi siya kumportable at parang lutang ang isip na ang tagal bago makasagot sa isang tanong. Habang ang lahat ay masaya at ganadong sumasagot sa mga tanong, siya naman ay seryosong-seryoso at parang umurong ang dila.

Pero nang i-reveal ng co-star niyang si Claudine Barretto kung bakit siya ganu’n, kahit paano ay nawala ang pagtataka ng press.

“Kaka-break lang po niya (Diet),” pagbubuking ni Claudine.

Halatang nagulat si Diet sa sinabi ng leading lady at talagang pinipigilan niya itong magsalita.

Ang alam ng lahat na karelasyon ni Diet since last year ay si Michelle Cojuangco Barrerra although wala naman siyang opisyal na pag-amin tungkol dito.

Dahil si Claudine ang nagbuking, siya rin ang tinanong kung alam niya ba ang dahilan ng break-up at nagsisimula na sanang magkwento ang aktres pero pinigilan siya ni Diet.

 “‘Di po ba, mag-best friends kami ni Diet? Naligaw lang siya ng landas kasi. . .” hindi na natapos ni Claudine ang sasabihin dahil sa kapipigil ni Diet kaya say niya kay Manay Ethel Ramos na nagtatanong, “tita sige, mamaya na lang”.

Pero humirit pa si Claudine at inulit niyang kaka-break nga lang daw ni Diet kaya raw medyo tahimik ito.

Anyway, sina Claudine, Diet, at Cesar Montano ang bida sa nasabing remake ng Danny Zialcita movie na ipinalabas noong dekada 80 at pinagbidahan nina Chanda Romero, Laurice Guillen, Tommy Abuel, at Mark Gil.

Sa TV version ay si Joel Lamangan na ang direktor at magsisimula na sa Feb. 15 sa Kapatid network.

Kasama rin dito sina Meg Imperial, Dindi Gallardo, Samantha Lopez, Bernard Palanca, Ruffa Gutierrez at marami pang iba.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: