Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pinagbigyan ang mamanugangin Gov. Vi suporta lang sa pelikula nila ni Angel?!

Hindi pa namin iyon nakikita, dahil hindi naman kami talaga mahilig magtitingin sa internet, pero may nagsabi sa aming isa naming kaibigan na maganda daw at mahusay ang acting ni Governor Vilma Santos sa napanood niyang teaser ng pelikulang Everything About Her.

Maaga ang teaser nila ha, kahit na hindi pa tapos ang pelikula.

Ang comment lang niya, base sa napanood niyang teaser ng pelikula, mukhang lalabas in the end na si Angel Locsin ang talagang bida sa pelikulang iyan.

Sino man ang lumabas na bida in the end ay hindi naman importante.

Ang mahalaga ay kung matatapos nang maganda ang isang pelikula.

Sa panahong ito, hindi na pinag-uusapan kung sino ang lead at kung sino ang support.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Napakakitid na ng margin sa dalawang bagay na iyan. Hindi kagaya noong panahon nina Bella Flores na ang support ay tinatawag na “kontrabida”, o kaaway ng bida. Hindi na ganoon ngayon.

May mga artistang gumagawa ng supposed to be ng lead role dahil sila ang mas malalaking stars, pero sa istorya iba nga ang bida.

Noong tanggapin ni Ate Vi ang proyektong iyan, alam na niya sigurado ang role niya. Kasi si Ate Vi naman hindi basta tumatanggap ng pro­ject sa sabi-sabi lang eh. Talagang binabasa niya ang script.

Take note, hindi story line ang hini­hingi niya kung hindi ang shooting script mismo. Nagkaroon pa iyan ng story confe­rence kung saan pinag-usa­pan nila ang lahat.

Kaya palagay na­min kung dara­ting ang panahon na may magsasabing si Angel Locsin ang lumabas na bida sa pelikula, iyon ay “with consent” ni Ate Vi. At sa kanyang karanasan sa pelikula, sino ba ang makapagsasa­bing mas magaling siyang dumiskarte sa pelikula kaysa kay Ate Vi mismo?

Sunshine pursigido sa annullment!

Hindi naman maikakaila na tala­gang hanggang maaari ay gusto ni Sunshine Cruz na mailagay na sa ayos ang kanyang buhay.

In fact, hindi ikinaila ng aktres na kasama sa kanyang New Year’s wish na sana nga ay makuha na niya ang annulment ng kanyang kasal.

Pero kagaya nga ng lagi niyang sinasabi, hindi siya humihingi ng annulment para makapag-asawa na o magkaroon ng boyfriend.

Hinihingi lang niya iyon para mailagay sa ayos ang kanyang buhay at saka makalibre na rin naman sa kanyang “dating” asawa. Siguro nga kasi ay na-realize na rin naman nilang talagang hindi na sila magkakasundong muli.

Hindi na sila magsasama bilang mag-asawa, kaya nga ano pa ba ang silbi noong masabing kasal sila.

Ang isa pang maganda, maging ang kanyang tatlong anak ay pabor na ngang makakuha na ng annulment ang mommy nila.

Normally ayaw ng mga bata ng ganyan, pero sa kaso nila ay payag naman sila, dahil siguro sa mga personal naman nilang dahilan.

Kaso dito nga lang sa Pilipinas, napakabagal ng usad ng kaso ng annulment. Hanggang maaari mukhang pinipigilan pa rin iyan ng mga hukuman. Kasi nga ‘yan ay personal namang problema, at siyempre inuuna nila iyong mga kasong criminal na isang tambak din naman sa mga hukuman.

Sa kaso naman ni Sunshine, gusto niya talaga ng annulment para matuldukan na nga ng forever ang problema, at malaman din naman ng isa’t isa kung ano ang kanilang reponsibilidad sa buhay.

Sinasabi naman niya na nakahanda siya at naniniwala siyang may personal siyang kakayahan para buhayin at bigyan ng magandang kinabukasan ang tatlo niyang anak.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: