PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Dalawa o tatlong buwan pa kay Bato bago lumipat sa BuCor

MANILA, Philippines — Palalawigin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang termino ni Philippine National Police Director General Ronald dela Rosa ng dalawa o tatlong buwan pa bago tuluyang lumipat sa nakaabang na bagong trabaho sa Bureau of Corrections.

“I want to do some things in Mindanao of utmost importance. And I need to extend the tour of duty General dela Rosa to something like two to three months,” pahayag ni Duterte.

“It’s mainly infrastructure. And maybe the physical setting of the headquarters of the Armed Forces and the police to suit the demands of the moment,” dagdag niya.

BASAHIN: Bato sa BuCor

Sinabi ni Duterte na may kapangyarihan siyang palawigin ang termino ni dela Rosa kahit pa nakasaad sa batas ang mandatory retirement na 56-anyos.

Kanina lamang ay inahayag ni Duterte ang bagong trabaho ni dela Rosa sa BuCor ngunit kailangan munang asikasuhin ang pagsasaayos sa Mindanao.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: