PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

1 taong martial law sa Mindanao OK sa Kongreso

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Kongreso ang hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin ang martial law sa Mindanao.

Sa joint session ngayong Miyerkules, lumusot ang isang taon pang batas militar sa rehiyon na paiiralin hanggang Disyembre 31, 2018.

Nauwi ang botohan sa Senado sa 14-4, kung saan pawang mga taga minorya ang kumontra, habang 226-23 naman ang resulta sa Kamara.

BASAHIN: ML extension sa Mindanao para sa ‘unli peace’

Hiniling ang pagpapalawig ng martial law dahil sa banta ng mga armadong grupo sa Mindano sa kabila ng pagkakasugpo sa Maute terror group.

Sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na magbibigay daan ang pagpapalawig ng martial law upang maabot ang kapayapaan at katahimikan sa Mindanao.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

"We do not ask for an unlimited martial law. What we are seeking is an unlimited peace," paliwanag ni Medialdea sa joint session ng Kongreso.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: