PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Noy dadalo sa Dengvaxia inquiry ng Senado

MANILA, Philippines — Handang dumalo si dating Pangulo Benigno Aquino III sa susunod na pagdinig ng Senado sa P3.5 bilyon dengue vaccination program.

"We want to participate in telling the truth to the people, as we have always done; at the same time, observing compliance to various laws, rules and traditions," pahayag ni Aquino.

Sa ilalim ng administrasyon ni Aquino inilunsad ang bakuna kontra dengue na Dengvaxia na binili mula sa pharmaceutical giant Sanofi Pasteur.

Nauna nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na makabubuti kay Aquino ang pagdalo sa pagdinig upang linawin ang naturang programa.

Kontrobersyal ang bakuna ngayon matapos aminin ng Sanofi ang dalang panganib ng Dengvaxia sa mga hindi pa nagkakaroon ng dengue.

Anila maaaring magkaroon ng “severe dengue” ang mga nabakunahan na hindi pa tinatamaan ng sakit na dala ng mga lamok.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sinimulan ang pagbabakuna sa mga kabataang mula edad 9 pataas sa Metro Manila, Central Luzon at CALABARZON region.

Ipinatigil na ang pagbabakuna habang patuloy ang imbestigasyon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: