PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Digong sinibak ang buong Commission on Urban Poor commissioners

MANILA, Philippines — Dahil sa ulat ng katiwalian at kapabayaan sa trabaho, sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga commissioner ng Presidential Commission on Urban Poor (PCUP), ayon sa, Malacañang ngayong Martes.

Nauna nang nabanggit ng Pangulo na may mga sisibakin siya dahil sa katiwalian at ngayon ay kinumpirma ni presidential spokesperson Harry Roque na ito ay ang mga taga PCUP.

“The President said during the 84th anniversary celebration of the Department of Labor and Employment last December 8 that he would fire a commission. The commission he was referring to is the Presidential Commission for the Urban Poor,” sabi ni Roque.

Tinanggal sa pwesto ang mga opisyal na kilabot sa pagbiyahe abroad.

Nilinaw naman ni Roque ang kaniyang unang pahayag na bubuwagin ang buong PCUP.

"With sincerest regrets I would like to correct the statement I made on the Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) during this morning’s press briefing. It is to fire, and not to abolish the Commission,” patuloy ng tagapagsalita.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Aniya patunay ito sa pangako ng pangulo na susugpuin ang katiwalian sa bansa.

“This kind of work performance has no place in the Duterte administration. We reiterate we are serious about the drive against corruption in government,” wika ni Roque.

Pinamumunuan ni dating Kabataan party-list Rep. Terry Ridon ang PCUP na binuo noong Disyembre 1986 upang tugunan ang pangangailngan ng mga mahihirap.

Tinanggap naman ni Ridon ang desisyon ng pangulo at iginiit na ginawa nila ang kanilang trabaho.

“The public record of the agency can speak for itself: we had implemented with full integrity the presidential promise of no demolition without relocation,” pahayag ni Ridon.

“We had represented government and given voice to the urban poor in international conferences on public housing, poverty alleviation and climate change, which was unprecedented in any administration.”

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: