PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Canadians pinaiiwas sa Mindanao

MANILA, Philippines — Pinag-iingat ng gobyerno ng Canada ang kanilang mamamayan na mag-ingat sa pagbiyahe sa Pilipinas dahil sa banta ng terorismo at laganap na krimen.

“There is a serious risk of terrorist attacks and kidnappings in this region. Bombs causing deaths and injuries have exploded in public areas of major centers, including the cities of Cagayan de Oro, Cotabato, General Santos, Isabela, Jolo, Kidapawan at Zamboanga,” nakasaad sa travel advisory.

Nabanggit din ang kaguluhan sa Marawi na nagtagal ng limang buwan at dahilan sa pagdeklara ng martial law sa Mindanao.

Maliban sa kaguluhan, pinag-iingat din ang mga buntis na Canadian dahil sa Zika virus.

“The decision to travel is your choice and you are responsible for your personal safety abroad. We take the safety and security of Canadians abroad very seriously,” patuloy nila.

Nauna nang binalaan ng Australia ang kanilang mamamayan sa banta rin ng terorismo kung saan kabilang din sa pinaiiwasang lugar ang lungsod ng Maynila.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Tapos na naman ang kaguluhan sa Marawi ngunit nananatili ang martial law sa buong Mindano hanggang sa katapusan ng taon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: