PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

‘Not guilty’ plea inihain ni Kerwin Espinosa

MANILA, Philippines — Kahit aminadong drug lord, naghain ng "not guilty" si Kerwin Espinosa sa Manila Regional Trial Court kaugnay ng kaniyang illegal drug trading case.

Humarap si Espinosa kay Manila RTC Branch Presiding Judge Silvino Pampilo Jr. ngayong Biyernes ng umaga kasama ang kaniyang abogadong si Lailani Villarino.

Nag-ugat ang kaso ni Espinosa sa ginawang buy-bust operation sa kaniyang bahay sa Sitio Tinago, Brgy. Binolho, Albuera Leyte.

Nabawi ang 219.28 gramo ng shabu sa isa sa mga tauhan ni Espinosa na nakilalang si Jose Antepuesto.

Itinanggi ni Espinosa na tauhan niya si Antepuesto. Aniya nasa labas din siya ng bansa nang maganap ang hulihan.

Sinabi ni Espinosa na tinaniman ang kaniyang bahay ng ebidensya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Lumabas ng bansa si Espinosa noong Hunyo 21 at bumalik sa bansa matapos mapatay ng mga pulis ang kaniyang amang si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng National Bureau of Investigation si Espinosa.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: