PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Trump, Duterte bilateral meeting sa Nobyembre

MANILA, Philippines — Nakatakdang makipagpulong si United States President Donald Trump kay Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang pinuno ng bansa sa susunod na buwan.

Isa ang Pilipinas sa mga bibisitahing bansa ni Trump para sa kaniyang Asian trip mula Nobyembre 3 hanggang 14.

Inaasahang darating sa bansa si Trump sa Nobymebre 12 upang dumalo sa special gala dinner ng ika-50 anibersaryo ng Association of Southeast Asian Nations.

“President Duterte is looking forward to welcoming President Trump in Manila. Our people are excited to see the first face-to-face meeting between our two leaders," pahayag ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano noong Setyembre 30.

Dadalo rin si Trump sa 40th anniversary US-ASEAN relations sa US-ASEAN Summit sa Nobyembre 13.

Bukod sa Pilipinas, pupunta rin si Trump sa Japan, South Korea, China, Vietnam at Hawaii.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

"The President’s travel will underscore his commitment to longstanding United States alliances and partnerships, and reaffirm United States leadership in promoting a free and open Indo-Pacific region," pahayag ng White House.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: