PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Digong napanatili ang 'big majority' approval, trust ratings - Pulse

MANILA, Philippines - Napanatiling mataas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang approval at trust ratings sa kabila nga mga kontrobersiya ng bansa, ayon sa Pulse Asia.

Sa pinakabagong survey ng Pulse Asia, 80 percent ang may big trust sa pangulo habang 6 percent ang may small trust at 14 percent ang undecided.

Umabot din ng 80 percent ang approval rating ni Duterte, habang 7 percent ang nagbigay ng disapproval.

Isinagawa ang survey na may 1,200 respondents noong Setyembre 24 hanggang 30.

Kasabay ito halos ng Social Weather Stations survey na nagbigay naman ng kakaibang resulta.

Bumagsak sa "good" na kategorya na lamang ang kaniyang satisfaction rating na +48 kumpara sa “very good” na +66 niya noong Hunyo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Isinagawa ang parehong survey noong kasagsagan ang isyu ng pagkamatay ng mga teenager sa kamay ng pulis-Caloocan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: