PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Faeldon nais masuspinde o masibak sa pwesto si Trillanes

MANILA, Philippines — Sinampahan ni dating Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon ng ethics complaint si Sen. Antonio Trillanes IV kaugnay ng imbestigasyon sa P6.4 bilyon shabu shipment mula China.

Nais ni Faeldon na masuspinde o masibak sa pwesto ang dati niyang kasamahan sa pagprotesta laban sa administrasyong Arroyo.

Sinabi ni Faeldon sa reklamo na naging unethical ang senador sa ginawang pagdinig ng Senado kung saan sinira umano ang kaniyang reputasyon. Tinukoy din niya ang pang-aabso ni Trillanes sa kaniyang sa karapatan at pribilehiyo at ang “serious misconduct” ng senador.

“Instead of heeding the sage words and guidance of the Court, Senator Trillanes turned for the worse. He became even more uncouth, even more malicious and even more indecent, improper and unethical, a terrible eyesore and a disgrace to himself and to the Philippine Senate,” nakasaad sa reklamo.

Inakusahan ni Trillanes si Faeldon na nasa gitna ng pagpupuslit ng ilegal na droga mula China.

Trillanes accused Faeldon, a fellow mutineer in the 2003 Oakwood siege and 2007 Manila Peninsula Siege, of being at the heart of the smuggling of illegal drugs from China.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Samantala, handa namang harapin ni Trillanes ang reklamo at iginiit na wala siyang ginawang mali.

“I will face that ethics complaint squarely because I believe that I did not do anything to warrant such a case. I will also not allow it to divert the focus from the real issue, that the mastermind behind the P6.4 billion shabu shipment is Mr. Paolo Duterte,” sabi ni Trillanes.

Nauna nang inireklamo ni Faeldon si Sen. Panfilo Lacson na pinaratangan din siya na kabilang sa tumatanggap ng lagay sa Customs.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: