PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Patung-patong na kaso vs Solano sa UST hazing

MANILA, Philippines — Kinasuhan na ang isa sa mga primary suspect sa pagkasawi ng isang University of Santo Tomas law student na pinaniniwalaang namatay matapos pahirapan sa initiation rites ng fraternity.

Nahaharap sa patung-patong na kasong murder, hazing, perjury, robbery at obstruction of justice si John Paul Solano.

Si Solano ang nagdala sa Chinese General Hospital ng bugbog-saradong first year Faculty of Civil Law student na si Horacio "Atio" Castillo III.

Itinuring na suspek si Solano matapos malamang nagsinungaling sa detalye ng pagkasawi ni Castillo na nakita niya lamang umano sa Tondo.

BASAHIN: Probe sa hazing hinaharang

Matapos ang ilang araw na pagtatago, sumuko nitong Biyernes kay Sen. Panfilo Lacson si Solano bago dinala sa Manila Police District.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Dinala naman ng mga awtoridad ngayong Lunes si Solano sa Department of Justice kung saan siya isinailalim sa inquest proceeding.

Inamin ni Solano na miyembro siya ng Aegis Juris fraternity ngunit iginiit ang pagkainosente at sinabing hindi siya kasama sa mga nagpahirap kay Castillo.

Humingi siya ng paumanhin sa pagsisinungaling tungkol sa pagdadala sa biktima sa hospital.

Nangako si Solano na isisiwalat ang lahat ng kaniyang nalalaman sa insidente.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: