PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Principal suspek sa UST hazing sumuko

MANILA, Philippines – Lumutang na ang itinuturing na principal suspek sa pagkasawi ng isang University of Santo Tomas law student dahil sa hazing ng isang fraternity.

Nagtungo si John Paul Solano sa tanggapan ni Sen. Panfilo Lacson upang isuko ang sarili. Kasama ni Solano ang dean ng UST Faculty of Civil Law na si Nilo Divina.

Nakatakdang dalhin si Solano sa tanggapan ng Manila Police District.

BASAHIN: Lulutang na testigo sa UST hazing inalok ng witness protection ng DOJ

Si Solano ang itinuturong nagdala kay Horacio Tomas Castillo III sa Chinese General Hospital.

Sa naunang pahayag ni Solano ay nakita lamang niya umano ang bugbog saradong si Castillo sa Tondo.

Itinuring na principal suspek si Solano matapos malaman na nagsinungaling sa detalye tungkol kay Castillo.

Lumabas sa imbestigasyon na miyembro ng Aegis Juris fraternity si Solano.

Pinaniniwalaang nasawi si Castillo sa initiation rites ng Aegis Juris matapos siyang magpaalam sa kaniyang magulang na dadalo lamang sa “welcome party” ng grupo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: