PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Trillanes kinasuhan na si Mocha Uson sa Ombudsman

MANILA, Philippines — Pormal nang inireklamo ni Sen. Antonio Trillanes IV ngayong Biyernes si Presidential Communications Assistant Secretary Margaux "Mocha" Uson sa Office of the Ombudsman.

Kasama ang kaniyang abogadong si Reynaldo Robles, sinampahan ng kasong libel ni Trillanes ang PCOO assistant secretary.

Bukod sa libel, inireklamo rin ng senador si Uson ng graft, falsification of documents at paglabag sa code of conduct of public officials.

Una nang sinabi ni Trillanes na kakasuhan niya sina Uson, broadcast journalist Erwin Tulfo at CNN Philippines contributor Ben Tesiorn dahil sa pagpapakalat ng umano’y bank accounts niya sa ibang bansa.

Nito lamang ay nagtungo si Trillanes sa Singapore upang personal na kumpirmahin at patunayan na peke ang mga ikinalat nina Uson.

Ito rin ang ginamit ni Pangulong Rodrigo Duterte na kalaunan ay inamin niyang inimbento lamang niya upang “hulihin” si Trillanes.

"Hindi na pupuwede yung fake news. The era of fake news is over," pahayag noon ni Trillanes.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: