PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Napoles umaasang mapalalaya rin tulad ni Jinggoy

MANILA, Philippines — Muling hihirit ang kampo ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles sa korte na makakuha ng pansamantalang kalayaan tulad ng nakamit ni dating Sen. Jinggoy Estrada na kapwa niya akusado sa pork barrel scam.

Sinabi ni Dennis Buenaventura, abogado ng binansagang pork barrel scam mastermind, na susundan nila ang ginawa ni Estrada na napalaya nitong Sabado.

“Magpa-file kami dito sa Fifth Division na muna. Tapos titingnan din namin yung sa other divisions,” pahayag ni Buenaventura.

“In so far as we are concerned, this is favorable [to Napoles],” dagdag ng abogado tungol sa nakamit ni  Estrada.

BASAHIN: Pansamantalang kalayaan kay Jinggoy

Matapos ang tatlong taong pagkakakulong, nakalaya si Estrada kasunod ng pagpayag ng Sandiganbayan na makapagpiyansa sa halagang P1.33 milyon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nahaharap ang dating senador sa kasong plunder at 11 counts ng graft kung saan co-accused si Napoles.

Dawit din si Napoles sa kaso nina dating Sens. Ramon “Bong” Revilla Jr. at Juan Ponce Enrile, dating Masbate representative at ngayo’y Gov. Rizalina Seachon-Lanete at dating Association of Philippine Electric Cooperatives party-list Rep. Edgar Valdez.

Nakakulong ngayon si Napoles sa Bureau of Jail Management and Penology Female Dormitory sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: