PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Bagyong Lannie, Maring nakalabas na ng PAR

MANILA, Philippines – Lumabas na sa Philippine area of responsibility (PAR) ngayong Miyerkules ang bagyong “Lannie” at “Maring” ayon sa state weather bureau.

Namataan ng PAGASA si Maring sa 460 kilometro kanluran ng Iba, Zambales, habang nasa 640 kilometro hilaga-silangan ng Basco, Batanes kaninang alas-4 ng hapon.

Tinutumbok ni Maring ang Vietnam sa bilis na 18 kilometers per hour, habang patungong Japan si Lannie.

Nagkasabay sa loob ng PAR ang dalawang bagyo ngunit tanging si Maring lamang ang nakapanalasa sa bansa.

Lima ang iniwang patay ni Maring, habang anim ang nawawala.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: