PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kris Aquino: Ang boto ko, Leni Robredo

Sa isang TV ad, inilahad ni Kris Aquino na naalala niya ang kanyang ina kay Leni Robredo, na tulad ng dating pangulo, ay nagsisilbi sa publiko nang walang inaasahang kapalit. Philstar.com/Chuck Smith, file photo

MANILA, Philippines - “Ang boto ko, Leni Robredo”.

Ito ang deklarasyon ni actress/TV host Kris Aquino kasabay ng pagpapahayag ng suporta sa kandidatura ni Liberal Party (LP) vice presidential aspirant Leni Robredo sa isang television advertisement.

Sa nasabing TV ad, inilahad ni Kris na naalala niya ang kanyang ina kay Leni, na tulad ng dating pangulo, ay nagsisilbi sa publiko nang walang inaasahang kapalit.

“Bilang abugado ng mahihirap, maraming pamilya ang kanyang naiangat,” wika ni Kris, na tinutukoy ang malawak na karanasan ni Robredo bilang abogado ng mahihirap bago naging kinatawan ng ikatlong distrito ng Camarines Sur.

Hindi tulad ng ibang endorsers, na pawang mga bayad, nag-ambag pa si Kris sa paggawa ng kanyang ad at nag-sponsor pa ng ilang spots sa TV.

Bago rito, nagpahayag ng suporta si Kris, ang tinaguriang Queen of All Media, kay Leni bilang susunod na pangalawang pangulo ng bansa sa kanyang Instagram page.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sa kanyang Instagram, inilagay ni Kris ang kanyang larawan kasama si Robredo at mga anak na sina Joshua at Bimby. Nilagyan pa ito ni Kris ng caption na “matapang… simple… mapagkakatiwalaan… tapat”.

Sa isang panayam sa diyaryo, kinumpirma ni Kris ang nauna niyang pahayag, sa pagsasabing: “I’ve only endorsed one candidate and I think I’m sticking to that. I said I’m for Leni Robredo for Vice President.” Bukod kay Kris, suportado rin ng mga kapatid niyang sina Ballsy, Pinky at Viel si Robredo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: