^

PSN Showbiz

Mister ng aktres na isinuko ang career, may ibang babae na!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nababagabag ang mga kapamilya at kaibigan ng isang female personality na naninirahan sa isang siyudad na malayo sa kanyang pamilya. Nagdesisyon ang magandang aktres na manirahan na sa lugar ng kanyang napangasawa.

Maayos naman ang kanilang relasyon, nakakailang anak na sila, pero may mga kuwentong lumulutang ngayon tungkol sa mga nangyayari sa aktres.

Ang balita ay may pinagkakaabalahang ibang babae ang kanyang mister. Hindi maihanap ng dahilan ng kanyang mga kaibigan kung bakit kailangan pa siyang may makahati sa puso ng kanyang asawa dahil bukod sa napakaganda na niya ay naging sobrang tapat pa siya sa kanilang relasyon.

Sabi ng aming source, “Kainitan ng popularity niya nu’ng magpakasal sila. Isinakripisyo ni ____(pangalan ng magandang aktres) ang magandang career niya para sa husband niya.

“Tinalikuran niya ang lahat ng meron siya, pamilya nila ang inuna ng girl, pero may ganyang kuwento pa ngayon? May babae raw ang husband niya,” kuwento ng source.

May kakuriputan din daw ang lalaki. Nabubuhay ang aktres sa tamang-tamang allowance lang na ibinibigay sa kanya buwan-buwan ng kanyang mister.

“Sakto lang ang ibinibigay sa kanya. E, sa mga anak pa lang nila, e, ang laki-laki na ng gastos nila monthly. Halos wala nang natitira para sa kanya.

“Hirap na hirap siya sa pagba-budget, kapag humihingi naman siya ng dagdag sa allowance na tinatanggap niya, pinag-aawayan nila ‘yun ng husband niya.

“Maganda lang siyang tingnan, pero ang totoo, e, naglalabas na siya ng sama ng loob ngayon sa mga ka-close niya. Huwag na tayong magtaka kapag isang araw, e, umabot na siya sa tipping point. Baka bigla na lang siyang umuwi sa poder ng parents niya.

“Nakakaawa naman siya kung ganu’n nga ang pinagdadaanan niya ngayon, martyr ang girl, pilit niyang nilulunok ang lahat para sa pamilya niya.

“Pero ganu’n talaga. Kapag tumibok ang puso, e, wala na talaga tayong magagawa,” makahulugang pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Erich malabo nang magsabi ng totoo!

Hindi na matutuloy ang pagdedetalye ni Erich Gonzales sa mga dahilan kung bakit nauwi sa wala ang dalawang taon din nilang relasyon ni Daniel Matsunaga.

Tinanggap niya ang hamon ni Vanessa, kapatid ng Brapanese actor, isang araw ay ilalabas daw niya nang detalyado ang mga dahilan kung bakit sila nagkahiwalay ni Daniel.

Nauna na kasi ang depensa ng kapatid ng aktor, wala raw katotohanan ang mga umiikot na haka-haka na ang naging dahilan ng kanilang break-up ay pera, nakiusap si Vanessa na linawin ni Erich ang aspetong ‘yun dahil napapahiya na raw ang kanilang pamilya.

Makahulugan ang sagot ni Erich, hindi lang daw naman mayayaman ang pinagsasamantalahan dahil maraming mahihirap na napagsasamantalahan din, lalong nag-isip ang marami na totoo ngang dumepende lang sa kanya si Daniel sa kabuuan ng kanilang relasyon.

Nakaabang ang marami ngayon sa mga sasabihin ni Erich, gaano raw kaya kalakas ang bombang pasasabugin ng aktres, tuluyan na raw kayang mawasak ang imahe ni Daniel Matsunaga kapag naglatag na ng mga detalye ang dalaga?

Pero isang source ang nagbalita sa amin na hindi na magsasalita si Erich dahil pinagharap na sila ng mga namamahala sa kanilang career. May namagitan na sa kanila, may umayos na sa kanilang gulo, nilagyan na ng mga ito ng tuldok ang anumang hindi pinagkakasunduan nina Daniel at Erich.

Na tama lang naman. Hindi magandang tingnan ang pagbabatuhan nila ng mga baho sa harap ng publiko. Dati’y para silang mga lovebirds na tukaan nang tukaan, parang hindi kumpleto ang kanilang maghapon nang hindi kumakandong si Erich sa kanyang boyfriend, pagkatapos ngayon ay kung anu-anong patutsada ang ibinabato nila sa isa’t isa.

‘Yun ang mahirap kapag sagana sa lambingan ang mga personalidad kapag bago pa lang ang kanilang relasyon. Tumatatak ‘yun sa publiko, kaya kapag nagkakaroon na sila ng problema, ibinabalik sa kanila ‘yun.

Tulad nina Daniel at Erich na masyadong PDA, kahit maraming tao ay halikan sila nang halikan, parang wala nang bukas na susunod sa kanilang mga lambingan.

 

vuukle comment

ERICH GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with