^

Pang Movies

Ka-loveteam ng actor na nakarma sa kamalditahan, ginawan ng gimik para mapansin uli

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Walang sweetness na ipapakita ang isang aktor sa dating ka-loveteam kahit paeklay lang. Magkatabi man sila sa picture, walang akbay at danti sa balikat man lang na ipinakita ang aktor.

Kilala na rin kasi ng aktor ang ugali ng dating ka-loveteam. Sweet-sweet-an ang image niya sa screen pero maldita kapag nasa likod ng kamera. Pati kamag-anak, sinusungitan, huh! Kinarma tuloy! Pati endorsements niya ay nabawasan, huh!

No wonder, short-lived ang kasikatan at kailangang gawan ng gimik ng management ang aktres upang pumasok uli siya sa kaalaman ng publiko.

Jennylyn humihingi ng privacy sa pagkamatay ng ina

Taped ang Superstar Duets kagabi kaya masaya pa ang aura ng host na si Jennylyn Mercado. Baka kasi may mag-isip na habang nakaburol ang Mommy Lydia eh nagawa pang magtrabaho ng Ultimate Star.

Namatay kahapon ng umaga si Mommy Lydia dahil sa sepsis at pneumonia. Pero ayon sa mga ilang press, matagal na daw may sakit ang nanay ni Jen. At madalas nga itong nakasuot ng turban.

Pero never nagsalita ni Jen tungkol sa kalagayan ni Mommy Lydia hanggang sa mamatay ito kahapon. As of this writing, wala pang pahayag si Jen tungkol sa wake ng ina. Ang manager niyang si Becky Aguila ang naglabas ng announcement nu’ng bandang hapon na at humihiling siya ng privacy para sa pamilya sa dinaraanang trahedya.

Isa si Atty. Joji Alonso sa unang nakiramay kay Jen. Dalawang movies ang kanyang pelikula na pinagbidahan ni Jennylyn. Maging ang fans niya ay naglabas ng mensahe ng pakikiramay. Siyempre, hindi magpapahuli si Dennis Trillo na paglaanan ng comfort ang girlfriend sa oras ng pagluluksa nito.

Direk Enzo todo emote sa ex 

Loveless na pala si Direk Enzo Williams.  Inalala kasi niya sa Facebook account niya ang babaeng minahal.

“Remembering again the best moments of my life. These are the moments that money cannot buy. Moments that make your heart really happy. I wish I had this forever,” caption ng director ng The Escort habang kasama ang pic ng girlfriend.

Sa pagkakatanda namin, magkasama pa sina Direk Enzo at ang GF niya nu’ng ginawa niya ang Bonifacio, Ang Unang Pangulo two years ago. Eh nang gumawa na siya ng movie sa Regal, never pumasok sa utak naming tanungin ang love life niya.

Sa tanong ng friends ni Direk sa FB kung nagkabalikan na uli sila ng GF dahil sa post niya, sagot ng director, “No. remember is all that I can do.”

At least, bumubongga ang directorial career ni Enzo. Pinuri-puri ang pagkakagawa ng The Escort. Tapos, nagsimula na siya ng bagong project na The Enzo Pastor Story. Si Derek Ramsay ang bida niya at nag-shoot na sila ng teaser ng movie.

Anyway, Graded B ang ibinigay ng Cinema Evaluation Board (CEB) sa The Escort.

vuukle comment

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with