^

PSN Opinyon

‘Pribelehiyo, kaya huwag kang umabuso’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MAGANDANG balita ang inilabas ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong nagdaang linggo.

Fully exempted na ang mga medical doctors sa Unified Vehicular Volume Reduction Program ng MMDA nang hindi na kailangan pang mag-apply ng anumang exemption.

Uulitin ko, ang mga medical doctors ay hindi na kasali sa number coding scheme kahit hindi na humiling pa ng exemption sa MMDA.

Isang malaking pribelehiyo ito sa ating mga mangga­gamot na ayon sa MMDA ay para maging mas epektibo at mabilis ang pagresponde nito sa mga medical emergencies.

Kailangan lamang ay ipakita ng mga doktor ang kani­lang updated I.D. mula sa Professional Regulation Commission (PRC) kung sakaling mahuli sila ng mga traffic enforcer.

Bukod dito, exempted na rin ang mga ambulansiya at pribadong sasakyan na may lulan na pasyenteng nanga­ngailangan ng agarang medical attention.

Eto pa, kasama na rin sa exemption ang mga trak ng bumbero, mobil ng pulis, sasakyan na may diplomatic plates, accredited MMDA tow trucks at maging media vehicles.

Nakow! Sa dami ng nabigyan ng prebelehiyong ito, nag­niningning na naman ang mata ng mga abusado sa kapangyarihan.

Paalala ng MMDA, huwag abusuhin ang pribelehiyong ito, gamitin ng tama at huwag na huwag kasangkapanin sa pansariling interes.

Sinusuportahan ko ang katwirang ito ng MMDA at katuwang kami ng ahensiyang ito na ipatupad ang kanilang adhikain.

Kung may paalala ang MMDA, babala ang sa akin. Pagkakataon man ang prebelehiyong ito ng mga gunggong at buwayang sasamantala sa programang ito ng MMD, oportunidad naman ito sa amin para mam-BITAG sa kalsada.

Wala kaming pakialam kung sino ka pang Hestas, Barabas at Hudas dahil kapag nataymingan ka ng aming camera na walang tigil na umiikot sa kalsada, sisikat ka.

Marami na kaming na-i-expose dati na mga hunghang na gumagamit ng wangwang, mga pang-gobyernong sasakyan at ambulansiya na walang katuturan.

Kaya ngayon pa lang, tutal Mahal na Araw naman, simulan n’yo nang magnilay-nilay. Para pagtapos ng Holy Week, makagawa ka na ng mabuti para sa iyo, sa kapwa mo at sa bayan.

vuukle comment

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with