^

Punto Mo

Bata sa Ukraine na mali-late na sa klase, inihatid ng ama sakay ng helicopter

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HINDI naging problema para sa isang bata sa Ukraine nang tanghaliin siya ng gising dahil hindi naman siya na-late sa eskuwelahan matapos siyang ihatid ng kanyang ama sa pamamagitan ng helicopter.

Ito marahil ang nangyari matapos makunan sa video ang pag-landing ng isang helicopter sa isang eskuwelahan sa distrito ng Lipky na nasa Kiev, Ukraine.

Bumaba sa helicopter ang isang nagmamadaling batang lalaki na hindi pa nakuhang ayusin ang kanyang uniporme.

Sinasabing anak siya ni Andrey Palchevskii na dating may mataas na katungkulan sa pamahalaan ng Ukraine.

Agad na kumalat ang video sa Internet kung saan umani ito ng sari-saring komento.

May mga hindi natuwa sa paggamit ng helicopter para lamang sa paghahatid sa school dahil pangungunsinti lamang daw ito sa bata.

Mayroon din namang nagsabi na naiinggit lang ang mga bumabatikos sa ginawa ng ama.

Posible rin daw na stunt lang sa pelikula ang ginawang pag-landing ng helicopter sa eskuwelahan, ayon sa isa pang nagkomento.

Isa kasi sa makasaysayang distrito ng Kiev ang Lipky kung saan maraming magagarang hotel at tanggapan ng gobyerno ang matatagpuan.

vuukle comment

UKRAINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with