^

Bansa

Nationwide transport strike kasado ngayon

Rudy Andal, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nakahanda na ang gobyerno sa inaasahan na libo-libong mananakay na muling mai-stranded dahil sa ikakasang “transport strike” ng ilang grupo ng transportasyon sa pagpapakalat ng mga libreng sakay sa mga tukoy na istratehikong lugar sa Kamaynilaan.

Sinabi ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde, na nakahanda ang kanilang mga tauhan na manghuli ng mga tsuper na manghaharang sa mga kapwa tsuper na nais pumasada ngayong Lunes. 

Ayon kay Albayalde, may ilalagay silang “Police Assistance Desks” sa mga lugar na maapektuhan ng transport strike kabilang na sa EDSA, sa Commonwealth Avenue at sa Monumento sa Caloocan City na noong nakaraang transport strike ay naging matindi ang epekto. Maaari umanong hingian ng tulong ng mga tsuper ang mga pulis laban sa mga nanghaharang at maaari ring hingian ng tulong ng mga nai-istranded na motorista.

Samantala, kinansela naman ng MMDA ang kanilang “number coding” para lamang sa mga pampublikong sasakyan dahil sa inaasahang kakulangan ng mga ito.

Ayon sa MMDA, may nakahanda ng mga bus, trak at iba pang behikulo na ipakakalat ang Joint Quick Reaction Team na kinabibilangan nila, AFP, PNP at Department of Transportation para sa mga pasahero na maaapektuhan ng transport strike ng mga grupong Piston at Stop and Go Coalition.

Hiniling ng MMDA sa naturang mga grupo na pag-usapan na lamang ang nakikita nilang problema sa modernisasyon ng mga pampasaherong jeep kaysa magsagawa ng mga strike. Hindi naman umano mga matataas na opisyal ng gobyerno ang naapektuhan ng kanilang tigil pasada dahil may sari­ling mga sasakyan ang mga ito habang ang mga mahihirap na mananakay ang nasasapul sa kahirapan sa pagsakay.

Kaugnay nito, sinuspinde kagabi ng Malacañang ang pasok sa elementary at high school sa Metro Manila dahil sa nakaambang transport strike.

Inanunsiyo ng tanggapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea kagabi ang pagsuspinde sa pasok sa pribado at pampublikong elementary at high school sa National Capital Region.

Para sa colleges and universities, mag-aanunsyo ang Palasyo mamayang alas-11 ng umaga (Lunes).

vuukle comment

TRANSPORT STRIKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with