DPWH magpapatupad ng road re-blocking
MANILA, Philippines - Asahan na naman ang trapik sa ilang kalsada ng Metro Manila, dahil sa isasagawang road re-blocking ang Department of Public Works and Highways (DPWH) umpisa kamakalawa ng gabi.
Simula na kahapon , Biyernes, alas-10:00 ng gabi hanggang Lunes (Pebrero 20), alas-5:00 ng umaga ay magsasagawa ang DPWH ng road re-blocking sa area ng Quezon City, Southbound ng kahabaan ng Mindanao Avenue, mula Mindanao Avenue Bridge hanggang Tandang Sora Avenue.
Kahabaan ng Commonwealth Avenue, mula Don Jose St., hanggang San Simon St., Quirino Highway (mula Mindanao Avenue hanggang Bernardino St.)
Sa Westbound naman ay sa kahabaan ng Congressional Avenue Extension, harapan ng Shell-Miranila Gate.
- Latest