^

Punto Mo

EDITORYAL - Itigil na ng PNP ‘Oplan Tokhang’

Pang-masa
EDITORYAL - Itigil na ng PNP �Oplan Tokhang�

GINAGAMIT na ng mga corrupt na pulis ang “Oplan Tokhang” para magkapera. Nakaisip ng ideya ang mga corrupt na kunwari ay aarestuhin nila ang isang tao dahil sa illegal drugs pero kikidnapin nila at saka ipatutubos. Target nila ay mayayamang negosyante at karaniwang mga dayuhan. Sinasamantala ang kasikatan ng “Tokhang” para magkamal ng pera sa pangingidnap. Ginawang pases ang “Tokhang” para maging legitimate kuno ang kanilang operasyon.

Ganito ang ginawa ng mga pulis nang salakayin nila ang bahay ng Korean businessman na si Jee Ick-joo sa Angeles, Pampanga noong Oktubre 16, 2016. Puwersahan nilang isinakay sa isang SUV kasama ang maid nito at saka dinala sa Camp Crame. Pinakawalan ang maid pero pinatay si Jee sa mismong compound  ng Crame. Pagkaraang patayin, dinala sa isang punerarya sa Caloocan na pag-aari ng isang dating pulis at saka inembalsamo. Pagkatapos ay dinala sa isang crematorium sa Caloocan din at saka sinunog. Ang abo ay ipinlas sa inidoro sa utos ng mastermind.

Isa sa mga suspect  ang kinasuhan na kahapon. Inamin na ni SPO3 Ricky Sta. Isabel ang partisipasyon sa krimen. Tatlo pang pulis ang isinangkot sa kidnapping. Sila ay sina Supt. Raphael Dumlao, Senior Police Officer 4 Roy Villegas at Police Officer 2 Christopher Baldomino.

Sa salaysay ni Villegas, si Sta. Isabel ang sumakal kay Jee at ito rin ang nagdala sa punerarya. Nagbayad si Sta. Isabel ng P30,000 sa punerarya kasama ang golf set ng Koreano.

Nakakahiya ang ginawa ng mga pulis na ginawang “pases” ang “Tokhang” para makapangidnap. Bagsak na bagsak ang imahe ng PNP dahil sa ginawa ng mga corrupt na pulis. Dapat nang lusawin ang “Oplan Tokhang” na inumpisahan ni PNP chief Ronald dela Rosa. Kung hindi niya kayang lusawin, sundin na lang ang sigaw ng netizen na magbitiw sa puwesto.

vuukle comment

OPLAN TOKHANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with