fresh no ads
Patay tayo diyan | Philstar.com
^

Young Star

Patay tayo diyan

The Philippine Star

MANILA, Philippines - Ah, Ferdinand Marcos. Mukhang walang makakapantay sa kanyang controversial factor sa kasaysayan ng Pilipinas  – baka si Aguinaldo, pero para sa ibang istorya naman iyon. Sa paglilibing sa kanya sa darating na Sept. 18 sa Libingan Ng Mga Bayani, marami nang nagsimulang tumutol sa desisyon, kagaya ni Senador Risa Hontiveros, Bise Presidente Leni Robredo, at  kamakailan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senate President Koko Pimentel.

Ngunit ang pinakamatinding pagbatikos na hinarap nito ay noong pinublish ng National Historical Commission of the Philippines ang isang pag-aaral — ngala’y “Why Ferdinand E. Marcos Should Not Be Buried at the Libingan Ng Mga Bayani” — para sa pampublikong pag-access, kung saan dinebunk nito ang mga pahayag ukol sa military record ni Marcos.

Tunay, maraming matatalakay ukol dito, lalo na sa mga hindi pamilyar sa isyu. Ano nga bang kahulugan kung ika’y nilibing sa LNMB? At bakit nga ba maraming tumututol sa paglilibing ni Marcos doon?

1. Ano nga ba ang Libingan ng mga Bayani?

Nahahanap ng LNMB ang kanyang legal basis sa RA 289, na nagtatakda ng “construction” ng isang “national pantheon for presidents of the Philippines, national heroes and patriots of the country.” Sa simula, nagngalan siyang Republic Memorial Cemetery, at tinawag lamang Libingan ng mga Bayani ng dating pangulong Ramon Magsaysay. Ito’y nagbigay-diin sa layunin ng libingan na magpareserba ang alaala ng mga dating pangulo ng Pilipinas, kasama ang  “national heroes and patriots for the inspiration and the emulation of this generation and of generations still unborn.”

Sa ganun, maraming implikasyon kung ika’y nilibing sa LNMB. Kung dito nililibing ang mga pinakadakilang mamamayan ng ating bansa, mga ehemplo na maari nating sundin, lahat ng malilibing rito ay nangangailangan mailagay sa masusing pagsisiyasat, sapagkat mailalarawan nito kung sino tayo bilang mga Pilipino, at kung ano gusto natin maging bilang isang bansa.

2. Sinong maaring ilibing sa Libingan Ng Mga Bayani?

Ang paglilibing sa LNMB ay hindi maaring isantabi lamang; lalo na’t kakaunti ang mga nakalaan na libingan para sa bawat posisyon. Sa ganun, piling mamamayan lamang ang maaring ilibing doon, kagaya ng mga Medal of Valor awardees, pangulo, secretaries of national defense, at mga government dignitaries, statesmen, national artists, at iba na kung kaninong internment or re-internment na aprubado ng kongreso, secretary of national defense, o ng AFP commander-in-chief. 

Ayon rin sa batas ng AFP, hindi kwalipikado ang isang mamamayan kung siya ay “dishonorably discharged from service,” o kung siya ay “convicted of an offense involving moral turpitude.” Sa pag-aaral kamakailan ng NHCP, hinikayat nila na kahit hindi “’dishonorably separated’ from military service” si Marcos, gayunpaman siya ay “removed by the collective action of the Filipino people in 1986” noong first People Power Revolution. Ngunit hindi ito ang natatanging problema ng paglilibing ni Marcos.

3. Tungkol nga ba saan ang pag-aaral ng NHCP?

Kasama ng panukala ng NHCP na isagawa at suportahan lahat ng pag-aaral “relating to Philippine national and local history,” pati na rin sa pag-eengage para sa “settlement or resolution of controversies or issues relative to historical personages, places, dates and events.” Kinukuha nito ang kanyang source  material sa mga archival document files tungkol sa guerilla unit ni Marcos, Ang Mga Maharlika; mga Marcos biographies, at ibang mga historikal na dokumento.

Tinitignan nito ang mga pahayag ukol sa military service ni Marcos, sapagkat kasama ito sa basehan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ipagpapatuloy ang libing ni Marcos sa LNMB. Ipinakita ng ulat na karamihan sa mga kaalaman ukol sa kanyang military record ay maaring kinuha sa mga biograpiya at salaysay na aprubado sa administrasyong Marcos, at ipinahayag ang mga discrepancies kapag ikinumpara sa mga ibang historical sources.

4. Nakamit ba ni Marcos ang Distinguished Service Cross (DSC)?

Kilala bilang pangalawa sa pinakamataas na military award sa Estados Unidos, ang DSC ay binibigay sa isang miyembro ng United States Army para sa kanilang kagitingan sa digmaan at sa kanilang pagiging bukas sa pag-aalay ng kanilang buhay sa oras ng peligro. Ayon sa NHCP report, dalawa sa mga biograpiyang ipinahintulot ni Marcos ay sinasabing kanyang DSC ay pinerdible ni Heneral Douglas MacArthur mismo noong 1945, na nagsabi na “Bataan would have fallen three months earlier” kung hindi dahil kay Marcos. Ngunit, kung sa gayon, inilahad ng ulat na sa ganung gawain, dapat ikinamit ni Marcos ang Medal of Honor; ang pinakamataas na military award sa United States Army. Ito ang kalagayan ni Sergeant Jose Calugas, na tumanggap sa Medal of Honor sa kusang-loob niyang pagtakbo ng 1,000 yards upang maayos ang isang battery gun sa gitna ng laban. Ang pahayag na si General MacArthur ang nag-perdible sa DSC ay binatikos rin — bumalik lamang si MacArthur sa Pilipinas noong 1944, dahil noong 1945 ay okupado sa pagsuko at demilitarization ng Japan.

5. Gaano ka-influential si Marcos sa Fall of Bataan?

Kung tunay na si Marcos ang responsable sa pag-dedelay ng tatlong buwan ang Siege of Bataan, maaring inilatad ito sa mga historical works tungkol sa Bataan, kagaya ng The Rising Sun ni John Toland. Ito ay parangal, halimbawa, na binigay kay Sergeant Calugas. Tinignan rin ni retired army officer Bonifacio Gillego ang mga primary wartime sources galing sa Washington, at napansin na hindi binanggit ang mga “exploits of Marcos… [that] delayed the fall of Bataan ‘considerably’” na pinapahayag ng mga biograpiya.

Sinabi rin ni Gillego na kung ginawa nga talaga ni Marcos ang mga nakalaan sa mga salaysay, maaring binanggit ang mga ito ng mga kapanabay niya sa giyera, kagaya ni then-Brigadier General Carlos P. Romulo, o ni MacArthur mismo. Sa halip, hindi naalintana ang kaniyang mga nakamit sa kanilang mga salaysay.

6. Ano nga ba ang Ang Mga Maharlika?

Bukod sa mga parangal, ang military claim to fame ni Marcos ay naka-base sa kanyang pagtatatag at pamumuno ng Ang Mga Maharlika, isang guerilla unit. Ngunit ayon sa mga dokumento, iniulat ng report na pinagdudahan ng mga opisyal ng American military kung tunay nga ba silang guerilla organization. Sinasabi na nililista ng Ang Mga Maharlika ng miyembro na kasali na sa mga ibang  guerilla factions — isang gawik na pinagkakatiwalaang ginagawa para makakuha ng “eligibility for back pay and war benefits.”

Gayunpaman, itinanggi ng US military ang panawagan ng Ang Mga Maharlika na kilalanin bilang isang guerilla faction dahil sa “limited military value of their duties;” at noong umapila si Marcos, itinanggi rin ito sa samu’t-saring dahilan — tulad ng “inconsistency of the organization,” at ang kabiguan nito na magbigay-kontribusyon sa “eventual defeat of the enemy.” Inilahad rin ng ulat na karamihan ng mga miyembro ng Ang Mga Maharlika ay hindi nakatira sa larangan, kundi sa kanilang mga tahanan, kung saan sinuportahan nila ang kanilang mga pamilya “by means of… other civilian pursuits, and assisted the guerilla unit on a part time basis only.”

7. Ano ang mga ibang problema na hinaharap ng military record ni Marcos?

Sinasabi rin na kahina-hinala ang mga gawain ni Marcos habang siya’y kasama sa unit, tulad ng paghingi ng pondo para sa pagpapagawa ng isang landing field para kay then-general Manuel Roxas, paglilista ng dalawang beses ang kanyang pangalan sa dalawang guerilla units, at pag-uusurp ng pamumuno ng Allas Intelligence Unit, na itinuturing bilang isang independent unit ng Estados Unidos ngunit sinasabing intelligence arm ng Ang Mga Maharlika. Sa ganun, napunahan ni Captain Elbert R. Curtis sa isang “check sheet” tungkol sa mga kaganapan na si Marcos ay may “enough political prestige to bring pressure to bear where it is needed for his own personal benefit.”

vuukle comment
Philstar
x
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with