Imbestigasyon sa ‘secret cell’, inutos ni Digong
MANILA, Philippines - Paiimbestigahan na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa liderato ng Philippine National Police (PNP) ang sinasabing ‘‘hidden cell’’ na natuklasan sa Tondo, Manila.
“I will call Bato after this event. I will look into discovery of hidden cell in Manila Police District (MPD) station.”
Sa Kamara, pinaiimbestigahan din ni Kabayan Rep. Harry Roque ang natuklasang sekretong detention cell.
Ayon kay Roque na dating human rights lawyer na maghahain siya ng resolution in aid of legislation sa Martes sa pagbubukas ng sesyon ng Kongreso ang pag-labag sa Republic Act 9745 (Anti-Torture Act of 2009) na ginawa ng mga pulis ng MPD station 1.
Giit ni Roque lubhang nakakabahala na ang suspek ay illegal na ikinulong dahil wala naman rekord na inaresto sila at inilagay sa isang hindi makataong kondisyon na labag sa batas.Naniniwala naman ang mambabatas na sinamantala ng mga scalawags cops na nakatalaga sa MPD station 1 ang war on drugs ng Pangulo para sa kanilang mga illegal na gawain.
- Latest