^

Krema

Krema (164)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

LUMUWAS ng May­nila sina Lex at Krema. Excited si Lex na maipakilala si Krema sa kanyang mama. Noon pa, lagi nang sinasabi ng kanyang mama kung kailan siya mag-aasawa. Ngayon ay siguradong magugulat ang kanyang mama kapag iniharap niya si Krema. Hindi nito inaasahang makakaharap na ang magiging manugang.

“Magustuhan kaya ako ng mama mo, Lex?” Tanong ni Krema habang nasa bus sila patungong Maynila.

“Oo naman. Yang ganda mong yan, siguradong magugustuhan ka.’’

“Paano kung malaman niya na ako pala ang nakasama sa bahay ni Tiyo Mon mo.’’

“Ano namang masama kung ikaw ang nakasama. Wala namang nangyari. Parang inalagaan mo lang si Tiyo Mon. Parang anak ang turing sa iyo ni Tiyo.’’

“Nag-iisip lang ako Lex. Siyempre, hindi mo maiaalis sa akin na mag-isip nang ganun.’’

“Huwag kang mag-isip ng negative. Basta ipakikilala kita kay Mama at magsasabi na tayo sa balak nating pagpapakasal.’’

Napasandal sa dibdib ni Lex si Krema.

“Ikaw ang bahala Lex. Nagtitiwala ako sa’yo.’’

“Salamat sa tiwala, Krema.’’

MAAGA pa sila nang makarating sa Makati na tirahan nina Lex. Nagtaksi na sila para madaling makarating sa bahay.

Kumatok si Lex sa pinto.

“’Ma buksan mo ito! Si Lex ito.’’

Nakarinig sila ng yabag. Nagmamadali. Hindi hu-mihinga si Krema.

Nakarinig sila ng klik sa pinto. Bumukas.

“Lex!” Sabi ng kanyang mama.

Humalik si Lex sa ina.

“’Ma, si Krema. Nobya ko.’’

“Ang ganda mo Krema!’’

Humalik si Krema sa mama ni Lex. (Itutuloy)

vuukle comment

KREMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with