^

Police Metro

3 dinedo sa Caloocan

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril at napatay ang tatlong katao kabilang ang isang babae sa magkahiwalay na krimen sa Caloocan City, kamakalawa.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Roberto Serrano, 43, barangay tanod sa Brgy. 18; Roma Joy Dela Cruz, 21, ng Carnation Street, Brgy. 174, Caloocan City; at isang lalaki na nakilala lamang sa pangalang Lloyd Tobias.

Sa unang insidente, dakong alas-10:20 ng gabi ay nag-iinuman sina Serrano at ilang kaibigan sa may Libis Espina Street malapit sa headquarters ng Northern Police District (NPD) nang dumating ang tatlong lalaki na nakasuot ng face masks at isa rito ang bumaril kay Serrano sa batok habang binaril uli ng isa pang suspek sa dibdib bago tumakas lulan ng dalawang motorsiklo.

Inamin naman ng mga kasamahan sa barangay na dati umanong nakasama ang pangalan ni Serrano sa “drug watch list” ng pulisya at sangkot din dati sa iligal na koneksyon ng kuryente sa kanilang lugar.

Ang ikalawang insidente ay naganap dakong alas-10:00 ng gabi nang barilin si Dela Cruz ng dalawang lalaki na pumasok sa kanyang bahay sa No. 2438 Carnation Street cor. Waling-Waling, Brgy. 174 at ala-1:00 ng hapon nang barilin ng dalawang lalaki na nakasuot ng maskara si Tobias habang naglalakad sa may Maharlika Street, La Loma Brgy. 178 Camarin.

vuukle comment

ROMA JOY DELA CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with