Para matuloy ang peace talks... 4 kondisyon inilatag ni digong sa NDF
MANILA, Philippines - Naglatag ng 4 na kondisyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa CPP-NPA-NDF para matuloy ang peace talks.
Kinumpirma ni Pangulong Duterte na tumawag pa sina government chief negotiator Silvestre Bello III at Peace Adviser Jesus Dureza bago magsimula ang 4th round ng formal peace talks sa The Netherlands para ihingi ng guidance ang kompromiso ng National Democratic Front (NDF) pero kanyang tinanggihan at iginiit ang kanyang mga objections.
Una sa kondisyon ni Pangulong Duterte ang pagkakaroon ng malinaw na parameters o Terms of Reference sa peace talks.
Kailangang matigil na ang extortion o koleksyon ng revolutionary tax; walang kikilalaning teritoryo ng CPP-NPA at ikaapat ang pagpapalaya sa lahat ng bihag ng mga rebelde.
Anya, kung hindi matutupad nang kanyang apat na kondisyon, kalimutan na ang peace talks at wala siyang magagawa kundi makipaglaban na lang kahit labag man sa kalooban.
“Alam mo ganito ‘yan, noon may ceasefire. Magpunta ‘yung mga sundalo ko doon sa mag-patrol tapos sabihin nila, ‘they entered into our territory.’ That’s crazy. Bakit ako? Sila ‘yung rebelde, akin itong Pilipinas, the Republic of the Philippines. Atin ito. Wala kang makuhang teritoryo, you might be claiming it but you cannot hang on to it. All you have to do is to do some, you know… Hindi ka nga makahawak ng isang barangay for one day. At saka ‘yung fourth at palagi kong nakakalimutan, release all prisoners. Whether police, military or civilians or government employees. ‘Pag wala ‘yan, walang peace talks,” ani Pangulong Duterte.
- Latest