^

Police Metro

Misis na ‘runner’ ng shabu, itinumba

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang isang 44-anyos na ginang matapos na barilin sa ulo ng hindi pa kilalang lalaki habang naglalakad kahapon ng umaga sa Singalong, Maynila.

Ang nasawi ay kinilalang si Elma Raga y Ramirez, may-asawa  at residente ng no.  2377 Arallano Avenue, Singalong.

Ang suspek ay inilarawan na nasa 35-40 ang edad, nakasuot ng  bullcap at  may takip ang mukha.

Batay sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, bago naganap ang pamamaril dakong alas -11:45 ng umaga sa panulukan ng Cadena de Amor  at Dama de Noche Sts., sa Singalong ay naglalakad ang biktima na galing sa isang bahay na hindi kalayuan sa lugar at hawak umano nito ang dalawang sachet ng shabu.

Walang kamalay-malay ito nang sundan ng suspek at pagdating sa lugar ay malapitan itong barilin sa likod ng ulo at pagkatapos ay mabilis na tumakas ang suspek.

Isinugod sa nasabing ospital ang biktima ng kaniyang kapatid na si Conrado Ramirez at mga kakilala.

Ayon sa pulisya na ang biktima ay “runner” umano o tagabili ng shabu ng mga gustong gumamit na kaniyang pinagkakakitaan.

vuukle comment

ITINUMBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with