^

PM Sports

PSL Invitational hahataw ngayon

Pang-masa

MANILA, Philippines - Magbubukas ngayon ang 2017 Philippine Superliga Invitational sa San Juan Arena.

Unang sasalang sa labanan ng nasabing torneo ang bagong-saltang Cocolife laban sa Generika sa alas-3:00 ng hapon pagkatapos ng opening ceremonies sa ganap na alas-2. Makakaharap naman ng back-to-back Grand Prix champions na Foton ang mas pinala-kas na Cignal sa dakong alas-3:00 habang makakatapat naman ng Petron ang isa pang bagong koponan ng PSL, ang Sta. Lucia sa ika-7 ng gabi.

Matatandaang nagkaroon ng mga pagbabago sa line-up ng Petron sa pagnanais nilang muling makasungkit ng kampeonato sa PSL.

Maglalaro na para sa Blaze Spikers sina Carmela Tunay na unang nagsuot ng uniporme ng Cignal, Rhea Dimaculangan na galing Foton at si Mika Reyes na dating lumaban para sa defending All-Filipino Conference champions na F2 Logistics na makakasama nina Ces Molina at Aiza Maizo-Pontillas, sa ilalim pa rin ni FEU head coach Shaq Delos Santos.

“Kami-kami pa din ang magkakasama. It’s just a matter of how we will prepare them against other teams especially a young team like Sta. Lucia,” pahayag ni Petron assistant coach Ian Fernandez.

Lalaro naman para kay head coach Macky Cariño sa Lady Realtors sina Janine Navarro, Ranya Musa at setter Djanel Cheng na siyang namuno sa College of St. Benilde na nagkampeon sa NCAA Season 91.

Bubuuin naman ng nagbabalik-PSL na si Michele Gumabao at bagong-saltang si libero Denden Lazaro ang Asset Managers na sasamahan ng starting six ng NCAA Season 92 champions Arellano University sa pangunguna ng kanilang setter na si Ria Sante, sa pagmamando ni head coach Obet Javier at trainer Tina Salak.

Makakalaban nila ang Lifesavers na ibinalik sina UE spiker Shaya Adorador at Gen Casugod at nagdagdag rin ng mga bagong manlalaro sa katauhan ng mga dating manlalaro ng Foton na sina Angeli Araneta, Patty Jane Orendain, Carol Cerveza at Bia General sa pamumuno ni women’s national team head coach Francis Vicente.

“We want to hit the ground running. We want to be competitive right away so we will treat eve-ry game as if it is our last in this very short tournament,” ayon kay Cocolife team official Joshua Ylaya.

Bukod sa bago nilang head coach na si two-time PSL champion George Pascua, kinuha ng HD Spikers ang serbisyo nina Rachel Daquis, Jovelyn Gonzaga at Honey Royse Tubino na unang masusubukan ng Tornadoes ni head coach Moro Branislav na ibabandera rin ang kanilang bagong line-up na kinabibilangan nina three-time NCAA MVP Grethcel Soltones at libero Jennylyn Reyes.  - MLumba

 

 

vuukle comment

2017 PHILIPPINE SUPERLIGA INVITATIONAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with