^

PSN Palaro

Jaja ibabangon ang NU

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Jaja ibabangon ang NU
Ang koponan ng FEU Baby Tamaraws na bagong kampeon sa UAAP Season 79 junior basketball nang gapiin ang NU Bullpups via 2-0 sweep.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines - Target ng National University na muling makisalo sa ikalawang puwesto sa pakikipagtipan sa mapa­nganib na Far Eastern University  sa pagpapatuloy ng UAAP Season 79 women's volleyball nga­yong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Magtutuos ang Lady Bulldogs at Lady Tamaraws sa tampok na laro sa alas-4 habang aariba ang bakbakan ng University of Santo Tomas at Adamson University sa alas-2.

Mula sa tuktok ng stan­dings, nalaglag sa ikaapat na puwesto ang NU matapos lumasap ng 27-29, 16-25, 21-25 kabiguan sa kamay ng nagdedepensang De La Salle University noong Linggo.

Nasa solong pamumuno ang University of the Philippines na may imakuladang 4-0 marka habang magkasalo sa No. 2 spot ang La Salle at Ateneo de Manila University na may parehong 4-1 kartada.

Babawi si 6-foot-5 Jaja Santiago para sa Lady Bulldogs sa pagkakataong ito matapos malimitahan sa 13 puntos laban sa Lady Spikers.

Tanging 11 attacks la­­­mang ang nagawa ni Santiago matapos itong la­tagan ng matinding depensa sa net.

Kaya naman kinaka­ila­ngan ni Santiago ng sapat na suporta mula sa kanyang mga katropa partikular na kina open hitters Jorelle Singh at Aiko Urdas, middle blocker Risa Sato at utility spiker Roma Doromal.

Malaki rin ang tungkulin ni libero Gayle Valdez na siyang pangunahing sa­sandalan ng Lady Bulldogs sa floor defense upang makapag set-up ng magandang plays si setter Jasmine Nabor.

Subalit haharap ang Lady Bulldogs sa matapang na Lady Tamaraws na naghahangad mapaganda ang kanilang rekord.

Kasalukuyang may 2-2 baraha ang FEU na galing sa 25-18, 25-22, 25-27, 25-11 panalo laban sa University of the East.

Babanat para sa Lady Tamaraws sina Bernadeth Pons, Jerrili Malabanan, Remy Palma at Toni Basas.

Magpapaganda rin ng baraha ang UST na kasalukuyang may 1-3 marka habang ang Adamson naman ay naghahangad na makakuha ng unang panalo matapos yumuko sa kanilang limang asignatura.

Kukuha ng lakas ang Tigresses kina EJ Laure, Cherry Ann Rondina, Ria Meneses, Chloe Cortez laban kina Jema Galanza at Bernadette Flora ng Lady Falcons.  

 

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with